Wednesday, October 20, 2010

"Recollection Na Naman"

October last year, may naaalala buh kaung importanteng event n nanyare s SKYLARK nun ?
For sure wala nang nkakaalala ... RECOLLECTION lng amn naten nun ...

Naaalala nyu p buh kung anung nanyare nun ??
Eh ang lyrics na "live by the spirit and change the whole world, change the whole world
with a life renewed ..." naaalala nyu p buh?
Eh ang picture taking ng bawat isa bago pumasok ng Bro. Miguel Hall ?
Ang pagkuha moh ng pagkain at ibibigay sa importanteng tao xau na kasama moh ?
Ang kapartner mo na uutusan mong gwin lahat ng guxto moh , naalala nyu p buh ???
At ang pag iyak moh dahil my nag bigay xau ng kandila kahit ndi moh ka close at ndi lng un , umabot p s limang beses ang pagtayo moh dhil andming ngbigay xau ng kandila ??

Sana tumatak at tumagal sa isip naten lahat ng nanyare nung araw n iyon...
at wag nating kakalimutan lahat ng samahang nangyari nuon ...
kahit iba iba na ang seksyon naten at ndi na tau lgi mag kasama sana wag magbago ang pgtingen naten para s isat isa ...

WAG NATIN KALIMUTAN ANG SKYLARK ... :(



~~khen~~

Tuesday, October 5, 2010

Akalain mo yon ?

Akalain mo yon para dati lang bored na bored ako sa seksyong to ngayon hinahanap hanap ko .
Akalain mo un kahit korni mga jokes nyo , tinatawanan namen to ?
Akalain mo yon panget na panget tayo sa play naten sila aliw na aliw ?
Akalain mo yon si mam pamatian , pameyshan na ngayon .
Akalain mo yon ang korni paren naten.
Akalain mo yon kung KJ si topher noon , KJ pa ren ngayon .
Akalain mo un ung PERESENT ni cato noon , PRESENT na ngyon .
Akalain mo yon ung mga inaabot ng gabi ngayon , inuumaga na ngayon
Akalain mo yon kung 7 lang pumunta nung bday ko nung bagyo, sandamukal na ngayon.
Akalain mo yon ung mag kakaibigan noon , magsyosyota na ngayon.
Akalain mo yon marame din palang may gusto sa seksyon natin .
Akalain mo yon best section ko kayo , pero nasa worst section ako ngayon .

Eh ngayon ?
PAre pareho tayo ngayong nakikipagsapalaran sa mundong ibabaw.
Madaming nagbago .
Bagong pakikisamahan , Bagong uagaling kikilalanin .
Bagong kaibigan . Bagong titser. Bagong lesson .
Bago lahat .
Masaya , Ou .
Pero bakit ganon , Sa bawat kilos ko hinahanap ko kayo .
Sa bawat pangyayari na dumdaan ngayon naaalala ko kayo .
bat ganon . para may kulang ?

Ou kulang , Wala kasi kayo :'(
Akalain mo yon , nakakamiss pla kayo.

-Tab
(foreverpameyshaners)

Skylark na lang ulit.

Ano ba S K Y L A R K. Miss na miss ko na kayo. Kahit lagi ko kayong nakikita. Kahit yung iba lagi kong nakakasama, iba pa rin eh. Iba yung feeling na kumpleto tayong nagkukulitan sa magulong room ng "Pameyshaners".

Hindi ko inaasahan na magiging ganito kalaki yung impact niyo sa buhay ko. Yung mga asaran, barahan, kulitan, awayan, sapakan, na makikita ko naman sa mga bago nating setion pero bakit parang wala lang? Hindi katulad dati. OO masaya maging junior. New experiences, friends, classmates, teachers. Masaya pero hindi sapat. May kulang akong nafefeel, yun pala KAYO yung kulang na yun. Hindi na kayo yung kasama ko araw-araw. Hindi na kayo yung kasama ko sa pagweWeh. Ibang-iba sa pakiramdam.

Dati wala lang sakin yung pagiging Pameyshaner. Pero ngayon ko lang naisip na wala na akong gusto pang maging section last year kundi Sylark lang. Wala ng iba pang classmates kundi Pameyshaner lang. Wala ng iba pang adviser, si Maam Carolina Pamatian lang. Totoo pala talaga na dun mo lang malalaman yung worth ng isang bagay pag wala na sa'yo.

Basta ang matatandaan ko. Sa Skylark ko nahanap ang mga naging totoo kong kaibigan na kailanman ay hindi ko makakalimutan.

- maxine.

Friday, August 13, 2010

-BARANGAY ELECTIONS-

Ayan may bagong post ako, di ako nakapag post nung June 30, dhil wala ako sa bahay.


Ayan tapos na ang National Elections, malapit naman ang Barangay Election.
Pero Hindi pa daw sure kung tuloy.
Sa October ata un, My uncle asked me If pwede daw ba akong sumali sa SK.
Sa totoo lng bago pa nia tapusin ang tanong gusto ko nang sumagot ng 'HINDI' pero ang sinabi ko 'titignan ko po'. My cousin will run as SK Chairman. I don't know if she'll win, pero baka oo, apo ksi ng current baranggay chairman namin.
Actually lola ko rin un, pero ayoko kasi ng political dynasty tpos pilit pa kung bakit ka naging member dun.
yung kuya ko naman nag iinarte, ayaw sagutan ung form para sa registration for being a Kabataan voter. Ang arte, He should excersis his right to vote!
He is really angry to poticians and politics.
I don't know why but it just started last 2010 national elections.
How bout you guys? Will you vote this Baranggay Elections?

A comment is an answer.^^

Saturday, June 26, 2010

Ano ba naman yan... wala ng active dito sa site na to. meron nga dalawa o tatlo lang... may naka-follow nga, di naman nila tinitingnan to, nag-follow lang para magka-grade sa project. super useless talaga to kasi walang paki-elam yung mga skylark noon sa site na to. Kung may pakks pa kayo dito mga skylark click nyo yung share button para i-remind natin to sa mga dati nating kaklase sa skylark.



-White & Black-

hoyyyyyyyyy.

BUHAYIN naman natin 'tong BLOG na 'to. hindi porket tapos na yung project natin nung 2nd year tapos na rin 'tong blog nten.

hoyyyyy. MISS ko na kayo.

- maxine.

Wednesday, June 2, 2010

*OFF-TOPIC * Skylark muna

May 28, 2010


Eto nga sana yung araw na magsasama sama lahat ng skylark ee ^^
Nagyaya ng napakaraming beses .
Nagsayang ng laway kakatanong ng "sasama ka pa ba?"
Tumaas ang bill ng telepono kakatawag sa mga bahay nyo
Tagaktak ang pawis kakatext sa inyo .
Nagsayang ng kuryente para makapag bukas ng fb at intayin ang message nyo.
pero ano nangyari ?
expected ko hinde bababa ng sampu ang makakasama .
WALO lang kameng nakapunta .
Umuwi pa yung isa .
Sayang naman , Huling lakad na nga , nauwi pa sa kadismayahan .
HOY GISING ! Asan na unity ?
Eto pasukan nanaman , Wala nang pameyshaners, wala ng skylark .
Mamimiss mo ba toh ?










Pano pa kaya ito ?

Oyes . Im bored :) I F***ing miss you guys !

-Tab

Friday, April 23, 2010

Earth Day JAM

Ayan earth daw.
Tama ba yun!?
Mag concert ng bongga.
I save daw ang Inang Kalikasan.
Sana nag tanim n lng sila ng puno kaysa nag konsierto sila dahil imbes na makatulong sila, lalo pa nilang sinisira ang kalikasan. Katulad nung March 27(if i'm right) 1 hour no lights daw. Then after 1 hour free concert fo what!?
Para gastusin ung inisave na energy for 1 hour!
Why don't they use that 1HOUR FOR PLANTING TREES.
That would be more helpful than using the energy you saved for just an hour.
GUYS PLEASE USE YOURS HEADS.
DO NOT BE A FOOL THAT SAYS " I'M SAVING MOTHER EARTH "
SAY THAT WHEN YOU REALLY DOES IT.

I HOPE THIS MESSAGES THAT BEEN POSTED BY THE TEENAGERS ON THIS BLOG AY MABASA NG MGA KANDIDATO NGAYON.
SANA MABASA NIO ITO.

SALAMAT.

Campaign Jingles.

Tulad nga ng cnabi ko dati tungkol du sa mga campaign jingles, ayan nabalita na. May mga pulitiko dw na maaring mademanda dahil sa hindi tamang pag-gamit ng mga kanta.
Papalitan ang lyrics without the consent of the composer and singer.
Sana nga mabigyan ng parusa ang mga lumabag.
KAHIT NA SIYA PA ANG NAILUKLOK NA PRESIDENTE NG PILIPINAS.

[M@r!@3_30]

Sunday, April 4, 2010

Maraming Dahilan...

Nagising ako kaninang umaga... Nanood ng balita sa tv unang hirit ang pamagat... Kahit pupungay-pungay at pipikit-pikit gumising ako para malaman ang nangyayari sa bayan natin... Isang balita ang sa akin ay nagbigay interest... Tungkol sa paggamit ng watawat sa walang kwentang bagay... Dapat lang daw gamitin ang watawat sa damit o paraphernalias ng mga nasa katungkulan at sa mga nasa sport... Di daw dapat ito ginagamit sa mga walang kwentang bagay... Ako ay nadismaya sa sinabi ng taong iyon... Na akala mo kung sinong magsalita... Ang tanong ko nmn bakit sila ganon??? Sila lang ba may karapatan para sa bagay na yun... Anong magagawa nila kung ang tao ay ganon... Pasalamat pa nga sila dahil kahit sa ganong bagay ay naipapakita ng mga tao na mahal nila ang bayan... Di kagaya ng mga nasa katungkulan na sinisuot lamang ang damit na inihalintulad sa watawat ng pilipinas kapag may okasyon o may importanteng pagdiriwang... Wala namang masama sa pagsuot ng mga ganong uri ng damit o accesories na ibinase sa disenyo ng watawat ng pilipinas... Pinapakita lamang ng mga tao kung gaaano nila kamahal ang bayan... Ewan ko lang sa iba kung nakikiuso lang... Bato-bato sa langit wag sanang magalit ang akin lamang ay opinyon at hindi gulo ang hanap ko... Sana wag ng mapatupad ang batas na iyon dahil kung matutupad man yun isa ako sa makikipaglaban para ipawalang bisa ito... At syempre nakakainis din dahil sa mga ganong mga disenyo na lamang na nga lang natin naipapakita na mahal natin ang bayan... At dahil din sa ganong mga disenyo na lang natin naaalala ang isang taong nagpamulat sa atin na tayo ay pilipino at ipagmalaki ang lahi nating iyon... kung buhay lamang siya siguro isa din siyang makikipaglaban para sa karapatang iyon... Kilala nyo na ba ang tinutukoy ko??? Mahal ko ang bayan ko dahil sa pagsusuot ko ng mga ganong uri ng damit naipapakita ko ang pagiging makabayan ko... Sana wala ng ganong batas nganit sabi ng taong iyon hinihintay na lamang nila na aprubahan ng nasa itaas... Wag naman sanang masayang ang gawa ng idolo natin na sa simula't sapul ay mahal ang bayan natin kaya nya nga nagawa ang mga disenyong iyon para maipakita nya na mahal nya ang bansan natin... Spread the love and freedom... Makipaglaban tayo para sa karapatan natin.... Di natin binabastos ang watawat o ang bayan natin bagkus pinapakita lang natin na mahal natin ito na handa tayong mamatay para sa bayan natin...

-Dwight Manalastas-

Pasensya na...

Ok tama si "ANONYMOUS" huwag sana nating pabayaan 2ng blog. Pasensya na.

Thursday, April 1, 2010

Tinig ni Pepe's Purpose

Baka nakakalimutan nyo? may tungkulin pa tayong gagampanan sa ating bansa. Wala na yatang nagpo-post ng blog sa webpage natin.



Anonymous

Friday, March 26, 2010

APCP

II-Skylark has ended...BUT...APCP...will continue...We will not be seeing each other, but APCP will never end. A new year, A new batch of classmates, we will recruite new members for APCP to expand not just in DLSAU but the World...



Anonymous

Wednesday, March 24, 2010

ONE LOVE , ONE SKYLARK ~

'pag sinabing " SKYLARK " , ano naiisip nyo ? :-? ako kasi yung " WEH ? " agad pumapasok sa utak co. =)) anwierd no ? weird talaga kame e. :> di lang weird , WILD pa. HAHA =))

WORST SECTION daw pero favorite ng mga teachers. subject teachers a , hinde adviser. :)) yan sng section na maraming pinapauso. ;) dami kme alam e. :> section den yan ng mga taong mahilig sa " ONE DAY PRACTICE " , proud pa kame don. =)) lagi naman kse panalo ... ay di pala lagi. 'pag talo naman andameng dahilan. >:)

mayabang daw kami ? nagsasabi lang kaya kami ng totoo. >:P " ayiiiee :"> " uso ren samen yan. lagi mong mrrineg sa room. mahilig kaming magLINK e. :"> sabi nila

SIKAT KAMI.:O sila nagsabi a , sumang-ayon lang naman kme. wala reng araw na di kami tumatawa. puro LAUGHTRIP. mababaw kaligayahan ?

FAST lang tlga kmi pumick-up ng jokes. yung nakakatawa a , 'di yung CORNY. >:P HAHA =)) mga EMOtera din kami pero mas mdalas pagiging JOLLY tska CHEERFUL namen. naks ! :> may mga teahers na HATE , may mga teachers na LOVE. syempre naman :P

super hilig din nmin sa pictures , PICTORIAL lage. may bago na nga e , MUSIC VIDEO naman. unique talaga kami oh. :)) oyy , dame ren pla naging CONFLICTS - tampuhan , away , di pansinan , meron pa ngang sipaan at sapakan e. pero kahit may ganung part , mas angat pren ang HAPPY at MEMORABLE MEMORIES.

kahit may MISUNDERSTANDINGS , sa huli marerealize mo din na " SKYLARK o9.1o ?! kahit parang dumaan lang yang year na 'to. kahet BORING , mamiMISS ko ren pala. " sobrang daming memories na nabuo , masaya man o malungkot. daming FRIENDSHIP din na nabuo. sa huli ang importante " WE'LL REMAIN FRIENDS , FOREVER ! <3 " >:D< LOVE ko super ng SKYLARK o9.1o. <3 ;*


ONE LOVE. ONE SKYLARK. >:D<

- maxine <3

ONE LOVE , ONE SKYLARK ~

'pag sinabing " SKYLARK " , ano naiisip nyo ? :-? ako kasi yung " WEH ? " agad pumapasok sa utak co. =)) anwierd no ? weird talaga kame e. :> di lang weird , WILD pa. HAHA =))

WORST SECTION daw pero favorite ng mga teachers. subject teachers a , hinde adviser. :)) yan sng section na maraming pinapauso. ;) dami kme alam e. :> section den yan ng mga taong mahilig sa " ONE DAY PRACTICE " , proud pa kame don. =)) lagi naman kse panalo ... ay di pala lagi. 'pag talo naman andameng dahilan. >:)

mayabang daw kami ? nagsasabi lang kaya kami ng totoo. >:P " ayiiiee :"> " uso ren samen yan. lagi mong mrrineg sa room. mahilig kaming magLINK e. :"> sabi nila

SIKAT KAMI.:O sila nagsabi a , sumang-ayon lang naman kme. wala reng araw na di kami tumatawa. puro LAUGHTRIP. mababaw kaligayahan ?

FAST lang tlga kmi pumick-up ng jokes. yung nakakatawa a , 'di yung CORNY. >:P HAHA =)) mga EMOtera din kami pero mas mdalas pagiging JOLLY tska CHEERFUL namen. naks ! :> may mga teahers na HATE , may mga teachers na LOVE. syempre naman :P

super hilig din nmin sa pictures , PICTORIAL lage. may bago na nga e , MUSIC VIDEO naman. unique talaga kami oh. :)) oyy , dame ren pla naging CONFLICTS - tampuhan , away , di pansinan , meron pa ngang sipaan at sapakan e. pero kahit may ganung part , mas angat pren ang HAPPY at MEMORABLE MEMORIES.

kahit may MISUNDERSTANDINGS , sa huli marerealize mo din na " SKYLARK o9.1o ?! kahit parang dumaan lang yang year na 'to. kahet BORING , mamiMISS ko ren pala. " sobrang daming memories na nabuo , masaya man o malungkot. daming FRIENDSHIP din na nabuo. sa huli ang importante " WE'LL REMAIN FRIENDS , FOREVER ! <3 " >:D< LOVE ko super ng SKYLARK o9.1o. <3 ;*


ONE LOVE. ONE SKYLARK. >:D<

- maxine <3

Walang Pamagat

Sa nalalabing dalwang araw .. Ano ba magandang gawin ? heto ako nakatanga .. lumilipad ang isip ..at nakatulala sa kawalan.. Pilit na inaalala ang mga araw na nakapag pasaya sa akin sa loob ng amin paaralan ..

Unang araw ng klase ..

Allora : Yes , klasmeyt ko pa ren sila . teka sino toh ? .. maxine bones ? arcelli ogalesco ?hmm ..

at habang naglalakad sya ay nakasalubong nya ang kanyang mga kaibgan ..

Allora : Oy ! punta tayo sa rum ..
Klasmeyt : Tara !

bago sila pumasok ng silid aralan, nabasa nila ang pangalan ng adviser nila .. " Mrs . Pamatian "
at pag pasok ng silid aralan ..

Titser : Sino prayer leader naten ngayon ?
Lahat : Tongco !!!

eto kame.. mga dating oregano .. pag pasok na pag pasok plang ng room ay naging komportable agad kame .. kumbaga para bang BACK TO NORMAL ^^ eto ang gustu ko .. Akala ko walang pinag bago .. akala ko lang pala yon ..

Pagkalipas ng ilang araw ..
Dumadami ang conflicts sa room , hinde pagkakaintindihan , at pagkakakilanlan sa mga tunay na mga ugali .. buwan ang lumipas.. dumaan ang mga paligsahan .. eto ang ilan sa mga hindi makakalimutan ..

  • Harana : Ft . maxine bones , euegne culla , at dwight manalastas .. Nanalo kame . Champion . isang araw na praktis ..
  • Eco Song : eto ang pinaka matindi sa lahat , sa pag nanais naming manalo .. at sa subrang taas ng confident level namen .. Natalo kame . Dito na nga nag simula ang labanan ^^
  • Jingle contest : Nauwi sa luhaan , twanan at kabaliwan , at sa huli.. hinde ko masasabing nasa amin ang huling halakhak kase 2nd place lang kame :D half day praktis lang kase ..
  • English Play fest : Eto ang pinaka masaya sa lahat , d2 kame natutong magkaisa .. mag pahiwatig ng kani-kanilang mga ideya sa malayang paraan .. at natutong magmahalan . At sa panahoong ito .. Nag champion kaming muli ^^

ngunit kung pag uusapan ay closeness ng isat isa .. parang ganito lang yan ee kung napansin nyu sa mga contest .. kung kaylan kame nag seseryoso natatalo kame . kung kelan kame pa easy easy nananalo kame .. parang friendship namen .. ^^ pa easy easy sa buhay pero ang hindi mo alam marami nang napapalapit sa na mga bagong kaibigan :)



Natutuwa ako pag naaalala ko ung mga panahong nag aasaran .. pinagtitripan si tongco .. inaasar si eric .. at pagtawa sa mga korning jokes ni carlo ^^ parang .. alam mo ung pakiramdam na .. nawala ung pera mo na matagl mong pinag ipunan ? .. ganon din kung paano ko tinreasure ang friendship sa skylark .. maaaring hindi ganon ngunit mas matindi pa don .

ou sige aaminin ko , ilang beses nyu na narinig sa akin na bored na bored ako sa seksyong ito .. pero inde ko alam .. inde ko na realize na mali pala ako ,maling palang ikumpara ang nakaraan sa kasalukuyan .. maaaring marami ako namiss noon , pero mas marami akong mamiss ngayon :D

wala lang naalala ko lang yan .. Kung kanina nakatanga ako sa wala .. Ngayon , ang napangiti ako , alam nyu kung bakit ? kase naalala ko bigla hindi lang sapat ang pinaramdam nyung pagmamahal sakin .. Subra subra pa .. Itinuring ko kayong pamilya .. Kaya sana manatili tayong isang pamilya hanggang huli .

Wala akong maisp na pamagat .. Parang skylark .. Walang katumbas :)




`Allora Mauricio :) proud to be a PAMEYSHANER <3>



Tuesday, March 23, 2010

a love letter w/ a paper rose to: skylark

dear skylark,

alam mo? minsan nging bhagi k ng buhay q at un tatanawin qng utang n loob q sayo un.ang gusto ko lang
malaman mo n ntatakot akong isipin n kakalimutan mo rin aq.at ayokong mngyari un.=((

hay.. 1 taon n rin ang lumipas. 1 taong prng saglit lang dumaan. isang taong punong puno ng kalokohan, asaran, tawanan, kakulitan na kung minsan nauuwi sa iyakan, tampuhan, sapakan pero na kahit ganun ang dumaan di ntin makakaila na ang bwat 1 ay ay ngmhalan <3.khit>

pusong ngbgay buhay, pusong ngbigay ng lakas ng loob pra harapin ang hamon ng buhay n kung minsan ay ngbigay ng skit ng ulo.

ang sarap isipin n parang isang araw lang ngdaan pero kung iisipin ay nging mahabang p chapter ng buhay.

field3p?! mga nkadilaw n t shirt n sumisigaw ng cory!; mga hustle n araw n nbabawian ng tuwa dhil s pgaasaran; chamber,carol, harana, eco song etc n sanhi ng atlitan n nuuwi s tagumpay ng lhat. dba nkakapagtaka?! sguro nga ganun tlga ang skylark! sbi nga eh, my kalog daw tlga kme!

"panu tau mnanalo nyan kung uala taung unity!" - mam pamatian, n ngbbgay ng encouragement s sky.

"baket? anung meron?"-ms. lumaban, mga salitang binibitiwan ng glit n MATH teacher

"let's call it a day' goodbye class"- Sr. BAtes, ktgang mgbbgay ng lkas upang ipagp2loy ang mgandang umaga

"goodmorning"- sr campy, pinakakaibang pgbati s lhat

masakit man isipin n un mga word n un d q n mririnig pg2n2ng q ng 3rd yr.=( at yuN mga slitang un ang mgpapaalala s ken n mnsan nging skylark dn aq!

Monday, March 22, 2010

Bakit sila ganun!?

Kaninang hapon habang ako'y naglalakad sa Bagong-Bario(caloocan) may mga nangangampanya. Sino ba namang hindi nakakakilala sa dating Pangulong Joseph "ERAP"
Estrada tsaka sa anak niyang si Jinggoy Estrada. Habang sila ay nangangampanya, namimigay ng caps,at masks(maskarang may mukha ni Jinggoy.), narinig ko ang kanilang campaign jingle. Tunog "NOBODY ng Wondergirls" at "BULONG ni Kitchie Nadal" sa tingin niyo may lisensya kaya ang paggamit nila sa mga kantang iyon? Matutulad din ba sila kay Gilbert"Gibo"Teodoro na nakasuhan dahil sa paggamit niya ng kanta na isinulat ng mangaawit na si Rico Blanco? Pano kaya kung walang lisensya ung kantang ginamit nila, halimbawa ung NOBODY ng Wondergirls, pag nakasuhan sila hindi naman sila lang ang madadamay eh. Buong Pilipinas, siyempre dun sila nakatira 'di ba!?
Katulad dati sa hindi sinasadyang pagkakataon nakarinig ako ng isang jingle ng isang nangangampanyang konsehal using a jingle with the tune of Voltes V's opening theme.
Nakakarindi na sa tenga! 'Di ba sila marunong gumawa ng sariling jingle!?
Hindi naman sa pinapaboran ko sila Gibo Teodoro at Manny Villar pero hindi ba mas maganda kung walang gamitan ng kanta, walang kaso(unless suported sia/sila nung artist na kumant nun)
Sana marealize nila na hindi healthy na gumamit ng mga foreign song(covering the lyrics of it) then use it on their campaign.
Maliban sa nakakababa ito ng pag-mamahal sa bayan, kung kaya naman nating gumawa ng sariling atin, bakit hindi!? 'di ba!?

[M@R1@3_30]

Wednesday, March 17, 2010

kabataan may pag-asa pa ba?

maraming kabataan ang nalulugmok sa roge kaya nasisira ang kanilang edukasyon, dahil sa maling bisyo.Ang guro at eskwelahan ngayon ay may mababang kalidad kaya hindi natututo ang mga estuyante kaya tuluyang bumubagsak ang pilipinas.Kung nandito lang at buhay pa si RIZAL sasabihin nya ay "nasaan na ang mga pag-asa ng bayan".





-ERIC(EMO)

Sunday, March 14, 2010

tamang paraan at tamang desisyon; susi sa pag-unlad.

Nagtaka ako at medyo nainis nung pinakita sakin ni kuya ang bago niyang "branded" na pantalon na padala ni dadi galing Canada. akala ko kasi nag-yayabang lang siya. tapos, pinakita niya ung iteketa at nagulat ako nung nabasa ko ang "Made in Philippines" sa likod. At sinabi niya "akalain mo may factory pala ng Levi's dito". sabi ko naman "onga eh, dito pala yan ginagawa, edi dapat dito nalang tayo bumili kaysa dun, sayang yung bayad sa padala". Bakit nga ba mas gusto natin ang mga bagay na imported, kaysa sa mga gamit na pwede naman palang mahanap dito sa Pinas? dahil ba sikat? dahil ba gawang ibang bansa? o para lang masabi na "sossy" ka?

May mga istudyanteng tinitipid ang baon nila at hindi kumain ng tanghalian para mgakaroon lang ng pambili ng isang basong kape sa Starbucks. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon kahalaga ang kape sa buhay nila, at ayos lang na magutom para makainom nito. ano yon, para lang masabi na sosyal sila? hay nako Pinoy! gumising ka nga, alam mo yung praktikal? uso yon. subukan mo minsan. malaki yung tulong sa'yo. tanggalin mo nga ang pagiging isip kolonyal mo. baka ito pa ang magpahirap sa'yo.

Akala natin, ayos lang na mahal at mabigat sa bulsa basta galing ibang bansa. Dahil sa paniniwalang matibay, magandang klase at mapagkakatiwalaan ang mga ito. Pero hindi mo lang alam, may mga produkto rin ang Pilipinas na mas matibay, mas magandang klase, mas mapagkakatiwalaan at mas mura.pwede kang makatipid. pwede ka maging praktikal. hindi mo kailangang magpa-gutom. may pag-asa pa tayong umunlad. basta humanap tayo ng tamang desisyon at tamang paraan. Kaya natin ito.


-Cathrina =p

Saturday, March 13, 2010

kaisipang kolonyal :(

kaisipang kolonyal. ang kaisipang hindi maalis sa isip ng mga pilipino. ang pinagmulan ng kaipang kolonyal sa ating mga pilipino ay ang dumating ang mga ibat-ibang banyaga upang sakupin ang bansang pilipinas. pero sa papaanung paraan? sa kalakalan nito sa pilipinas at ang matinding impluwensya nito. bagamat hindi na maalis sa ating mga pilipino ang kaisipang ito, pwede itong maging dahilan upang bumagsak ang ating wika at kultura. ika nga kapag namatay ang wika, patay na rin ang kultura.

masakit mang isipin na ang mismong mamamayan ng pilipinas ang sisira ng wika natin dahil sa mga bagay na nakahihiligan nila tulad ng pagkain ng mga amerika, ng mga artista sa ibang bansa at kung anu-ano pa. hindi lahat ng bagay na naimpluwensya o naibigay sa atin ng mga banyaga ay hindi masama tulad nalamang ng edukasyon at sistema ng pamahalaan, bigay sa atin ng amerikka. ang dalawang bagay na ito lamang ang pinakamahalagang bigay sa atin ng amerika.

sana mag karoon ng progarama ang ating pamahalaan patungkol sa bagay na ito. tulad na lamang ng "Philippine first before anything". naisip ko ito upang naiuna muna ang mga ibat-ibang kultura, kaugalian at tradisyon ng pilipinas bago ang mga kultura ng ibat-ibang bansa. sana maisip nating mga pilipino ang bagay na ito !!!!

"Ako ang Simula" (weh, di nga)

Alam nating maraming mga batang Pilipino ang nabiyayaan ng sapat na katalinuhan, ngunit dahil sa matinding suliraning nagaganap ngayon sa ating bansa, marami sa mga kabataan natin ngayon ang hindi na nakakatikim ng Edukasyon, kadalasang makikita ang mga kabataan ngayon sa kalsada hindi upang mag-aral kundi para maghanap panlaman tiyan. Kadalasan ang mga batang namamalimos, nangangalakal ng basura, o di kaya mga batang gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot ang laman na ng kalsada ngayon. Grabe na nga talaga ang kalagayan ng ating bansa. Ngunit di ba sabi ni Rizal, "Ang kabataan ang susi ng bayan". Pero paano magiging susi ng bayan ang mga kabataan tungo sa kaunlaran, kung hindi na sila nakakapag-aral?Paano na nga ba tayo, ako, makakatulong sa bansa natin?

Ngayon ay panahon ng halalan. Panahon kung saan bida na naman ang mga politikang kung anu-ano ang mga sinasabi upang mabago daw ang Pilipinas. Maaari naman tayong bumoto ng tapat at walang nagaganap na pandaraya. Nasisilaw lamang tayo sa mga pera nila at mga pangakong laging napapako. Bakit hindi natin iboto ang nararapat at alam nating hindi tayo bibiguin sa kanilang mga pangako. Sundin lamang natin kung ano ang nasa puso natin at kung ano ang tama.

Pansamantala nating nararanasan ngayon ang matinding tagtuyot o ang El NiNo. Kadalasan nating sinasabing wala na tayong magagawa. Pero hindi lang tayo nag-iisip, marami pa tayong magagawa upang maibalik ang dating ganda at sigla ng Pilipinas. Bakit hindi natin simulan sa ating mga sarili. Magsanay tayong IBULSA ang mga MALIIT NA BASURA. At pag sanay na tayong gawin ito, sunod nating gawin, tumulong tayo sa mga proyektong patungkol sa pagtatanim o may koneksyon sa pag-aalaga ng ating kalikasan. Simple lang, ngunit malaki ang maitutulong sa ating bayan. Tinatamad lang tayong gawin ito. Sana magawa natin ang mga simpleng bagay na ito. Tayo rin ang makakapagbago sa ating mundo. "TAYO ANG SIMULA".


~ ~khen satuito~~

"Bumangon Ka"

Sa paglipas ng panahon, alam kong marami pa kong kailangan matutunan, mapanindigan at mapatunayan. Sasabihin ng iba dyan, "bakit mo sinasabi yan eh bata ka pa, tsaka mo na asikasuhin yan pag matanda ka na". Kung ganun naman pala, bakit walang magawa ang mga nakakatanda saaking paligid. Lumaki ako sa hindi kagandahang baranggay. Araw-araw may mga lassengo sa kalye, nagbubugbugan, nagkakainitan. Tapos sasabihin lang ng iba na isipin ko ang responsibilidad saaking pagtanda. Kung sa paligid ko naman, mga taong may pamilya ngunit inuuna ang sariling kaligayahan. Inuubos ang pera sa bisyo at alak, kaya hindi mabigyan ng tamang edukasyon ang mga anak.

Meron akong napanood na isang interview tungkol sa isang nanay na iniinterview dahil sa kanyang anak. Ang kanyang anak ay nalapnos ang mukha dahil niligatas nito ang kanyang kapatid sa kanilang nasusunog na bahay. Tinanong ng reporter ang nanay,"Anu na po ang gagawin niyo?". Sumagot ang nanay,"Wala, wala na kasi ang lahat ng pinagpaguran ko." Isipin mo yun, yung anak nyang 6-anyos, pinasok yung bahay na walang kaabog-abog, basta't mailigtas lang ang kanyang nakababatang kapatid. Tapos sarili niyang nanay wala nang gagawin para sakanila. Ni hindi man lang inisip yung mga anak niya.

Yan ang problema nang karamihan saating mga pilipino. May pagsubok lang na dumating, ni hindi man lang sinubukan ayusin, susuko na agad. Umiiral ang pagiging tamad. Nadapa lang, nakita nang maraming tao, napahiya siya. Hindi man lang sinubukang tumayo. Magiging habang buhay siya dun sa kahihiyan na iyon. Kasi hindi man lang niya sinubukang umalis dun sa pwesto niya, sa kadahilanang natatakot siyang madapa ulit. Pero dapat matuto tayong tanggapin ang mga ito, dahil ito ang huhubog saatin upang maging isang tao. Kung matuto tayong harapin ang pagsubok, at alisin ang ating katamaran. Hindi na tayong matatawag na "LUMPO NG ASYA".

-arianne-

Kultura ng mga Pilipino, buhay pa ba??

Ang Kultura nating mga Pilipino ay mula pa sa ating mga ninuno , marami tayong ibat-ibang kultura kasama na kultura na Pag mamano sa mga matatanda, Pag sasabi ng Opo at Po, ang hospitality natin sa mga dayuhan, Bayanihan, Matinding pagbuklod-buklod ng mag-anak at marami pang iba. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti nag nabubura o nawawala ang ating mag kultura na ipinamana pa saatin. Dahil ba ito sa teknolohiya? Sana lang bigyan pansin at halaga natin ang ating kultura at mapanatili pa nating buhay ito, dahil ito ang isa sa mga nag papaalala satin sa ating nakaraan.
~mArGiE98~

DARATING DIN!

Habang ako'y nanunuod sa telebisyon ng isang palabas na tawagin na lamang natin itong "oras ngpagpapakitang gilas". May isang grupo ng manlalahok doon na ang kanilang konsepto ay tungkol sa mga pilipino sila'y nagsasalita at umaarte, ako'y namangha habang nakikinig sa kanilang mga sinsabi dahil maganda ang ibig sabihin nito, na para bang alam nila sa sarili nila na makakabangon pa ang pilipinas, ngunit kapansin pansin na ang mga manunuod sa entablado ay hindi naaliw sa grupong ito at halos wala ng pumapalakpak, napaisip tuloy ako na ganun na ba talaga ang mga pilipino?? na kapag maamerikano ang konsepto ng isang grupo ay halos maging kulay kamatis na ang palad ng mga manunuod sa kakapalakpak pero kapag makapilipino ang konsepto nito kulang na lang eh wala ng manuod. nawala na nga ba ang ating pagkanasyonalismo?? bakit mahal na mahal natin ang mga ibang bansa?? samantalang sa pilipinas tayo naninirahan, kung titignan naman nating mabuti mas maganda ang pilipinas kaysa sa mga ibang bansa. napakaganda ng mga tanawin dito at ang ating mga yamang lupa at yamang tubig. kelan kaya natin mapapansin nag mga ito?? at nang ating maalagaan at mapanatiling maganda. alam kong hindi pa huli ang lahat, kaya pa nating magbago. darating ang araw mamahalin din natin ang sariling atin!!


jenika:D

Practice-Elections, Laro!?

Panahon nanaman ng eleksyon, pati sa mga eskuwelahan may eleksyon din.
Pag ganitong panahon, nandiyan ang kampanya at mga gimik.
Sa mga eskuwelahan may 'SSG' sila ang kinakatawan ng bawat estudyante sa paaralan.
Para mabuo sila kailangan may botohan, nandiyan ang pwestong presidente,
bise presidente, at marami pang iba.
Sabi ng mga guro paraan daw ito para ma-practice daw kami para kapag pwede na kaming bumoto sa totoong halalan.
Pero nakakatakot isipin na sa 'practice' na ito, maraming hindi ito sineseryoso, nag tanong ako sa isa kong kamag-aral
"sino ang iboboto mong presidente?' sabi niya, "siyempre ung POGI!"
at
doon naman sa isa,"sino ang iboboto mo sa bise presidente?"
ang sinabi niya sa akin ay,"ako iboboto ko ung mga hindi sikat! Yung mukhang walang magagawa."
Tinanong ko siya kung bakit ang sabi niya"Wala lang trip lng."
Napa-isip ako "Tama ba ang kanyang gagawin?" "Paano kung manalo iyon?, Anong mangyayari sa ating paaralan?"
"Paano kung totoong eleksyon 'to e 'di hindi natin alam ang kahihinatnan ng Pilipinas."
Tama nga bang gawing "trip" ang pag-boto?
Sa totoo lang ang isang boto ay katumbas ng malaking desisyon na mahirap baguhin kung mag kamali ka man.
Ang pag sisisi ay laging nasa hulihan.
Sana hindi natin gawing laro ang pag boto at sana tama ang desisyon na gagawin natin.
Sana bumoto tayo ng maayos, Iboto ang karaapat-dapat.
[M@R1@3_30!^^~]

Liwanag sa dilim

alam naman nating
lahat kung anu ang
dinadanas ng Pilipinas ngayon.
Kahirapan,katiwalian sa gobyerno,
at terorismo.May magagawa ba ang mga
kabataan para makatulong sa pagresolba sa
mga suliranin ng bansa?Oo,may
magagawa ang mag kabataan para maresolba
ang mag suliranin ng bansa.Ngayong nalalapit na
ang halalan,madaming kabataan ang nagpa-rehisto
para makaboto ngayong halalan.Kung iboboto lang natin
ang karapat dapat na maging pangulo ng bansa,malulutas
ang mag suliranin ng bansa.At ang pagboto ng kabataan ay
para sa ikabubuti ng bansa at para sa mga susunod na
henerasyon.

=gervin=

Friday, March 12, 2010

Magising sa Katotohanan

Nakararanas na tayo ng mga kalupitan sa ating panahon ngayon. Iba’t-ibang paraan ng pagmamaltrato sa mga kababayan natin lalo na sa ibang bansa. Papayag nalang ba tayong nagpapaapi nang ganun ganun nalang? Tatawagin tayong mga unggoy?! Masakit para sa karamihan yun. Nilalait tayo ng mga dayuhan! Pilipino ka! Magising ka naman! Magising ka na at malaman na kailangan mong kumilos! Huwag magpaapi sa iba! Maging halimbawa sana ang mga ginawang paglalaban at pagsasakripisyo ng buhay nang ating mga bayani. Huwag natin itong isawalang bahala nalang! Kailangan aksyonan at lutasin natin ito! Gawin natin hanggat maaari ang mga nagawa ng ating mga bayani!…magagawa lamang ito kung lahat ay magkakaroon ng isang salita. Isang boses. Isang sigaw sa karapatan para maging malaya. Malaya sa paglalahad ng mga nararamdaman natin. Higit sa lahat, karapatan maging isang PILIPINO! Pilipino na nirerespeto ng iba. Pilipino na maipagmamalaki. Pilipino na namumukudtangi sa ankging galing. Pilipino na…gising na ang diwa sa mga nangyayari sa ating bayan. PILIPINO…GUMISING KA!

-Dwight Manalastas-

VOte! Juan Barbero for President!

Hay..Uso na naman ang mga nagpapauso. Uso na naman ang mga mukhang nasa papel na nagkalat sa pader ng lansangan.paano ka ba naman iboboto kung ganyan ang pinag gagawa ninyo?

Uso na naman ang mga campaign jingle na nagsasabing sila raw ang magtatapos ng kahirapan.PAUSO? Eh bakit may nagugutom noong nakaupo ka pa? bakit di mo tinapos nung nasa puwesto ka pa? di kaya nagpapauso ka lang??.

May iba naman nagsasabing di sila magnanakaw?.Eh ano ngayon?! Di ka nga nagnakaw, eh anung ginawa mo noong nakaupo ka pa?ano naman ang gagawin mo? tutunganga?!. hay naku juan!!! magisip isip ka na!.

Mayroon din naman nagyayabang pa ng kanilang mga nagawa samantalang sila rin naman halos ang nakinabang.May iba namang gumamit pa ng salita ng diyos. hindi na ba sila nahiya?!

Di ba nagtataka si juan kung saan kinukuha ng kandidato ang kanilang MIlyon milyong salapi. DI kaya galing din ito sa bulsa ni juan?

Mayroong nagmamalinis samantalang napatunayan naman na nagkasala sila.Eh bakit ka pa humingi ng pardon?! anu yun? KAplastikan? pagkatapos nun magmamalinis ka? hay.. naku juan sa barangay ka magpaliwanag!

Siguro kung magiisip lang si juan kung kanino sila boboto umunlad na siguro ang pilipinas.Huwag sanang si juan umasa sa baluktot na pamamahala dahil siya rin mismo ang mag aangat sa sarili niya. Sana isiping mabuti ni juan kung sino nga ba ang karapatdapat sa upuang pinagaagawan!

Mga maling akala.

Sabi nga ng karamihan kapag pumunta ka raw sa iba't-ibang bansa sa mundo ay
may Pilipino kahit na ang bansang mahirap din tulad ng HAITI.
Natutuwa pa nga ang ating gobyerno kapag tumataas ang mga remittances galing
ibang bansa, akala nila uunlad ang Pilipinas dahil doon?
Hindi kaya!
Sa totoo lang marami namang trabaho sa Pilipinas e,
Ikaw nga mismo kahit na mag tayo ka ng maliit na negosyo income na rin iyon.
Akala natin kapag nangingibang bansa ka uunlad ang pamilya mo ,
at totoo iyon
pero paano naman ang iyong bayan? Sarili lang ba ang iintindihin mo o ang bayan
mo?
Naalala ko yung mag-asawa dun sa blog na pinabasa sa amin ni Bb. Orbillo kahit
na alam nilang mas malaki ang kita nila sa ibang bansa kung doon sila mag ta-
trabaho,
mas pinili parin nilang dito mag trabaho dahil alam nila na malaki ang
maitutulong nila sa kanilang sarili at sariling bayan.
[mariae30!^^~]

Wednesday, March 10, 2010

MALAPIT NA

Kung napapansin nyo, unti-unti nang nasisira ang ating mahal na kalikasan...
Malapit na nga bang masira ito? Sa tingin ko oo, kasi pinababayaan natin ito, bakit ba kailangang pabayaan natin ang ating..... maaring natitirang pag-asa pag nangyari na ang bagay na hindi natin inaasahang mangyari. Mlay nyo magkatutuo yung palabas na "2012"....................
Kung gusto ninyong maligtas, subukan ninyong magbago at baliktarin ang mga maling bagay na ginagawa nyo.
Palagi kayong magdadasal sa panginoon upang kayo ay maisalba sa katapusan ng lahat ng bagay na ginawa ng ating panginoon.
Marami ng nagkakatutoong mga senyales ng paggunaw ng mundo, tulad nalng ng global warming at madalas na sakuna sa karagatan at malalakas na lindol sa ibat- ibang parte ng mundo.
Hindi natin alam ang mangyayari sa atin dahil hinding hindi natin mamamalayan na ang kalikasang sinisira natin ay syang tatapus sa ating lahat. . . . . . . . . . .
Malay nyo MLAPIT NA. . . . .

IM BACK!!!!!!! (BESI)
pangit ng blog k ngyn..

kasakiman, sukli ay kahirapan

kung wala bang sakim sa pilipinas ay wala
din bang nagugutom? kung wala bang sakim sa
pilipinas ay wala din bang namamalimos? kung wala
bang sakim sa pilipinas ay wala din bang mahihirap?


oo kung walang sakim sa pilipinas walang ma-
hihirap. dahil kapag walang mahihirap uunlad ang
pilipinas at kapag umunlad ang pilipinas maraming
turista at investors ang dadayo at kapag nangyari
yoon hindi lang uunlad ang pilipinas magiging mala-
kas ang lahat na meron tayo at kapag nangyari yoon
madedepensahan na natin ang ating bayan.



-Janczel L. Bernas

edukasyon (anu-ano nga ba ang puede nitong gawin)

edukasyon. anu nga ang edukasyon? ang edukasyon ay isang bagay na natutuan natin noong pananakop ng amerika dito sa pilipinas. ito rin ang nakatulong sa atin upang mag karoon ng mga kaalaman ukol sa mga bagay na hindi pa natin nalalaman. anu-ano nga ba ang pwede gawin ng edukasyon sayo ???

unang una, puede mo itong gawing armas. pero sa papaanong paraan ? sa pakikipag laban nito sa mga banyaga noong panahon ng mga mananakop. ginamit ito nina jose rizal, carlos romulo at iba pang mga manunulat.
pangalawa, puede kang mag tagumpay rito !!!! mamaya na yung ibang part :)

kaisipang alipin :(

kaisipang alipin. ito lamang ang kaisipang hindi maalis sa isip ng mga kababayan nating mga pilipino dahil unang una sa lahat marami paring mga pilipino ang pumpunta sa ibang bansa para mag trabaho para daw malaki ang kita. ako ay suma-sang ayon na malaki rin ang kinikita nila. pero hindi parin sapat ito upang maging paliwanag nila. hindi ba natin kayang kumita ng malaki sa pilipinas? kadalasan kasi puro gobyerno nalang ang sinnisisi nila. tama ba na habang buhay na lamang natin sisihin ang pamahalaan sa maliit na sweldo na natatanggap ng mga trabahador sa pilipinas? dipende ang aking sagot. unang una kung maayos lang ang ating pamahalaan sa ngayon hindi sana ganito ang kalagayan ng pilipinas ngayon. pangalawa, kung makikipag tulungan lang ang mga kababayan nating mga pilipino sa ating pamahalaan, marami sanang mga investors na papasok sa pilipinas. palibhasa kasi wala tayong dalawang salitang ito ! ang DANGAL AT PAGKAKAISA. kung may dangal ka malalaman mo na hindi habang buhay ka magiging alipin. may magagawa ka para sa bayan, malalaman mo rin ang tama at mali. at kapag nalaman mo ang tama at mali hindi ka gagawa ng KORAPSYON na ikasisira mo at ng bansang kinilala mo. at kung meron namang tayong pagkakaisa, wala sanang mag papaalipin sa ibang bansa, magiging matatag rin ang bansa natin at mapapamahal rin tayo sa bayan. ang dalawang salitang ito lamang ang tutulong sa atin sa pag aangat ng lahing pilipino/kayumanggi at ito rin ang sisira ng kaisipang hindi maalis alis sa utak ng mga pilipino at ito ang ALIPIN.

Tuesday, March 9, 2010

Agrikultura ng Pilipinas


Ang Agrikultura ay produksyon ng pagkain. May tatlong pamamaraan ng Agrikultura at ito ay ang pagtatanim, pangingisda at pag-aalaga ng ng hayop.
Ang Pilipinas ay mayaman sa likas na yaman at isa dito ang Agrikultura. Ang regalo ng maykapal sa ating bansa ay dapat panglagaan at ingatan. Dahil ito ang susi ng kinabukasan. Mataba at malusog ang lupa ng Pilipinas kaya hindi nakapagtataka na mayaman tayo sa agrikultura.
Noong unang panahon, agrikultura ang dahilan kaya nasakop ng iba’t ibang bansa ang pilipinas tulad ng Espanya. Sinakop tayo ng Espanya dahil sa ating mga pananim gaya ng mga sangkap na pampaanghang tulad ng sili at sibuyas. Noon pa lamang ay marami nang nakatuklas na ang Pilipinas ay mayaman sa agrikultura dahil ang mga Pilipino noon ay maalaga at mapagmahal sa agrikultura. Kung ating ikukumpara ngayon masasabi nating ang mga Pilipino ngayon ay makasarili, dahil wala silang ginawa kundi mangarap na yumaman o magkatrabaho ng walang kahirap-hirap ngunit kumikita ng malaki. Wala nang nagnanais na mag-alaga sa ating kalikasan o agrikultura, dahil halos lahat ng mga Pilipino ay walang pinangarap kundi kumita ng malaki.

Ang agrikultura ng Pilipinas ay napabayaan na, isang halimbawa ang Rice Terraces. Ang mga katutubong igorot ay naghirap upang mabuo ang napakagandang rice terraces. PInagmamalaki natin sila dahil yoon ang kauna-unahang hagdan-hagdang palayan sa buong mundo, kaya isa ito sa mga dapat nating pangalagaan. Ngunit anong ginawa ng mga kasalukuyang igorot sa rice terraces. Pinabayaan na nila ang hagdan-hagdang palayan na dapat nilang alagaan dahil ninuno nila ang gumawa nito. Inakala nila na mababa ang estado ng pagtatanim, dahil hindi nila alam na pinaghirapan yon ng mga ninuno nila. Kaya tingnan mo ngayon ang pinagmamalaki nating rice terraces at kayo na humusga kung anong ginawa nila.
Isa pang halimbawa ang pagkainggit natin sa Amerika. Naiinggit tayo sa kanila sapagkat sa likod ng walang kahirap-hirap na trabaho ay napakalaki ng sweldo. Nagawa lang ng Amerika ang lahat ng ito dahil sila ay mayaman sa industriya samantalang tayo ay mayaman sa likas na yaman. Dapat maintindihan ng mga Pilipino na ang bawat bansa ay may natatanging yaman kaya hindi dapat magkainggitan.

*Janine Marcelo*

Sunday, March 7, 2010

Education Gives Luster To The Motherland

Wise education, vital breath
Inspires an enchanting virtue;
She puts the Country in the lofty seat
Of endless glory, of dazzling glow,
And just as the gentle aura's puff
Do brighten the perfumed flower's hue:
So education with a wise, guiding hand,
A benefactress, exalts the human band.

Man's placid repose and earthly life
To education he dedicates
Because of her, art and science are born
Man; and as from the high mount above
The pure rivulet flows, undulates,
So education beyond measure
Gives the Country tranquillity secure.

Where wise education raises a throne
Sprightly youth are invigorated,
Who with firm stand error they subdue
And with noble ideas are exalted;
It breaks immortality's neck,
Contemptible crime before it is halted:
It humbles barbarous nations
And it makes of savages champions.

And like the spring that nourishes
The plants, the bushes of the meads,
She goes on spilling her placid wealth,
And with kind eagerness she constantly feeds,
The river banks through which she slips,
And to beautiful nature all she concedes,
So whoever procures education wise
Until the height of honor may rise.

From her lips the waters crystalline
Gush forth without end, of divine virtue,
And prudent doctrines of her faith
The forces weak of evil subdue,
That break apart like the whitish waves
That lash upon the motionless shoreline:
And to climb the heavenly ways the people
Do learn with her noble example.

In the wretched human beings' breast
The living flame of good she lights
The hands of criminal fierce she ties,
And fill the faithful hearts with delights,
Which seeks her secrets beneficent
And in the love for the good her breast she incites,
And it's the' education noble and pure
Of human life the balsam sure.

And like a rock that rises with pride
In the middle of the turbulent waves
When hurricane and fierce Notus roar
She disregards their fury and raves,
That weary of the horror great
So frightened calmly off they stave;
Such is one by wise education steered
He holds the Country's reins unconquered.

His achievements on sapphires are engraved;
The Country pays him a thousand honors;
For in the noble breasts of her sons
Virtue transplanted luxuriant flow'rs;
And in the love of good e'er disposed
Will see the lords and governors
The noble people with loyal venture
Christian education always procure.

And like the golden sun of the morn
Whose rays resplendent shedding gold,
And like fair aurora of gold and red
She overspreads her colors bold;
Such true education proudly gives
The pleasure of virtue to young and old
And she enlightens out Motherland dear
As she offers endless glow and luster.

Isinulat ni Gat Jose Rizal
http://joserizal1.tripod.com/id9.html

post by:Erica Mae H.Fernandez

Saturday, March 6, 2010

"Sa panahon ngayon, Pag nagsabi ka ng totoo, Magtago ka na."

“Sa panahon ngayon, Pag nagsabi ka ng totoo, Magtago ka na.”

Narinig ko lang sa pinapanuod ng daddy ko tuwing umaga. Totoo naman diba? Bakit ba nagkakaganito ang pilipinas? Masama na bang magsabi ng totoo ngayon? Sabagay, Misan na lang kasi paniwalaan ang totoo. Pinaniniwalaan na lang kung may ebidensya. Diyos na nga lang ang kakampi mo kung magsasabi ka ng totoo na walang ebidensya e. Kung nakakapagsalita lang siya, Siguro Payapa? Hindi ren.

Pero bakit napunta ang dating HINAHANGAANG BANSA sa isang Lumpong nakakahiya? Oo nga, Masakit. Hindi katanggap-tanggap. E ganyan naman kasi talaga diba? Kasalan mo din naman yan e. Kasalanan mo, Kasalanan ko, Kasalanan niya. Pinapahiya natin bansa natin. E paano kasi, Simpleng batas pa lang hindi na masunod, Paano pa kaya sa malalaki. Kasi dito sa pilipinas, Pagka batas, Gagamitin pa yung puso minsan, Maaawa pa. Oo, Hindi masamang maawa, Pero BATAS yon. Kasalanan niya kung hindi siya sumunod, Multa kung multa, Pagbayaran kung pagbayaran, Pero hindi e? Dito, Pagbibigyan pa, Abutan ka lang. Ganon na lang ba halaga ng dangal mo? Nabibili na lang siya ngayon? Kaya hindi ka umuunlad. Kasama bansa mo, Bansa natin.

Kailan kaya ‘to maaayos? Pag nabuhay ulit si Rizal? si Ninoy? Kailangan pa ba lagi na lang may magsasakripisyo ng buhay para lang sa bansa? Para sa mga taong walang pakialam sa bansa nila? Nabaon na lang ba sa Piso yung sinakripisyo ni Rizal? Nakatatak na lang ba sa Limang daan yung sinakripisyo ni Ninoy? Lahat na lang ba ng mahihirap gustong maging kano? Lahat na lang ba ng mayayaman guston maging espanyol? E sino may gustong maging pilipino? Wala? Kasi e, Kahit saang sulok daw ng mundo, May pilipino. Teka, hindi pa tapos.. May pilipino.. PILIPINONG ALIPIN.

~Louise. ;)

Friday, March 5, 2010

BAD ROMANCE

Alam kong karamihan sa atin ay narinig na ang kantang "BAD ROMANCE" ni LADY GAGA isang sikat na mang-aawit sa ibang bansa. Para sa akin matatawag na "BAD ROMANCE" o "MALING PAGMAMAHAL" ang ginagawa natin sa ating bansa dahil masyado na nating inaabuso ang ating mahal na bayan, pero mahal nga ba natin ang bayan natin?...... Sa tingin ko sa 100% ng mga mamamayang Pilipino ay 60% sa atin ay parang wala ng pakealam sa nangyayari sa ating bansa, kahit baon na tayo sa utang sa ibang bansa hindi nila pinapansin, pano nalang sa mga susunod pang henerasyon at ang mga anak natin ang makakadanas ng hirap?
Sa kalikasan palang masasabi ng pabaya tayo ehh... Dahil sa mga iligal na pagpuputol ng mga puno sa kabundukan na nagiging dahilan ng madalas na pagbaha, pati sa paaralan din ay masasabing pabaya tayo sa ating paligid, dahil sa classroom nalng makikita mo madalas ang mga balat ng candy at mga lukot na papel.
kung hindi natin aayusin ang ating bansa baka sa susunod na mga taon ay maging tayo na ang pinaka malaking basurahan sa mundo kung hindi natin malulutas ang problemang "BAD ROMANCE"... Malay nyo mangyari to...



BESI = i want your love!!!, i dont wanna be friends, i want your love i dont wanna be friends!!!!

Kabataan, Tayo nga ba ang pag-asa ng bayan?

Maraming nagsasabi na tayo daw ang pag-asa ng bayan, Papaano naman tayo makakatulong sa mga pagsubok na pinagdadaanan ng ating bansa tulad ng korapsyon, kakulangan sa edukasyon, at kung anu-ano pa. Paano kami makakatulong sa bansa kung ang madalas naming makita sa mga eskinita ang mga matatandang naliligaw ng landas tulad ng paggamit ng Illegal na droga, pakikipag pusatahan, at lalong-lalo na ang pagturo sa mga kabataan nito. Kung iisipin mo, hindi sa lahat ng pagkakataon na ang mga kabataan lang ang may kakayahan na paunladin ang lahing pilipino kundi lahat tayo, hindi naman basta kikilos ang mga bata kung walang sapat na gabay ng mga magulang, malaki ang maitutulong nila dahil sila ang magtuturo sa mga kabataan na tulad ko patungo sa tamang landas para sa ikabubuti nila at ng bansa. Kabataan, nanay, tatay,mga guro, mga barbero,mga tricycle driver, may ngipin man o wala, lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng mga kabataan at ng lahing PILIPINO


-Kung Fu Panda (Yun-Chul)

Pilipinas, aking bayan

Sabi nila ang Pilipinas daw ang perlas nang silangan.
Ito ay binubuo ng talong pulo, io ay Luzon, Visayas, at
Mindanao. iong along ito ay mayaman sa ibat-iban uri
nang ganda nang kalikasan. Ngunit dito sa Luzon unti-unti
nang nasisira ang ipinahiram ng Dyos na ganda a yaman.


Ngunit sa Visayas medyo maganda parin ang ibinigay
ng Dyos at dahil dito ay ,araming namamalagi na turista
kaya lalong yumayaman ang lugar na ito. At pag dating
naman natin sa mindanao lalong mas magandang pumunta
doon sapagkat sobrang presko nang hangin doon at may
mas magandang lugar doon, ngunit delikado dahil may
nagaganap na giyera at patayan doon. Matanong ko nga
lang sa inyo maganda pa ba sa pilipinas? kayo na ang
bahalang sumagot sa aking tanong, pero para sa akin
maaari pang mabalik ang dating ganda ng biniyayaang
lupa.



-Janczel L. Bernas

Thursday, March 4, 2010

TINATAGONG KAYAMANAN NG ATING BAYAN

Kelan ba natin matatamo ang tunay na kapayapaan sa ating bansa.
Kabataan pag-asa ng bayan, sabi ni rizal, pero bakit yung ibang kabataan sya pa yung sumisira ng kapayapaan at nagdadala ng problema sa gobyerno. Kadalasan mga teenager pa yung problema natin.
Tulad nalng ng mga bugaw(mga binebentang babae) na pakalat kalat sa kalsada, isa yun sa problema ng gobyerno at ang mga batang magnanakaw.
sino nga ba ang dapat sisihin sa nangyayari sa bansa?

Goyerno at tayo ang nag aalaga ng ating bansa kaya dapat tayong lahat ang may kasalanan, dahil pinababayaan na nating ang ating bayan.
Tulad ng gobyerno natin ngayon na laging nangangako pero lagi din namang napapako.
At tayo?...... Kung hindi natin gabayan ang mga batang naliligaw ng landas hindi nila magagawang gumawa ng masama. Ang gobyerno naman, hindi nila binibigay ang tamang pangangailangan ng mga tao para hindi sila maghirap, marami namang pera ang gobyerno pero hindi nila binibigay ito sa mga nangangailangan at sinusolo lang ang salapi.
Sana sa susunod na halalan ay iboto ninyo ang sa tingin ninyong karapat dapat na mamuno sa dating mapayapang bayan na ngayon ayparang gumuhong minahan, na kung iyong muling aayusin ay makikita mo ang kayamanan na nararapat para sa ating lahat..


BESI ^_^ :) =) :P

EMBRACE YOUR DREAMS

EMBRACE YOUR DREAMS..,
If you wanna be a hero..
you need to have DREAMS... ^_^


BESI PARIN

PAGIGING BATA

Lahat ng tao dumadaan sa pagiging bata. Pero pag pinansin mo karamihan sa mga nakatatanda sa atin ay nasa maling landas. Maraming lasinggero, barumbado at yung iba pa pumapatay ng tao. Pero bakit nga ba nila ginagawa ito? Siguro nuong panahon ng kanilang kabataan ay ginagawa na nila ito. Sino ba o sino kaya ang turo sa kanila nito? San ba nila natutunan na gawin ang mga bagay na yun? Sa tingin nyo, sa barkada nila o sa mga pabaya nilang magulang?

Para sakin, sila mismo (kabataan) ang may kasalanan ng pagka ligaw nila ng landas. Dahil, kahit na anong pag aaruga ng magulang sa anak, kung nag desisyon itong sumama sa mga kabataang mag hahatak sa kanila pababa, wala na silang magagawa, kasi yun na yung pinili ng bata ehh...

Alam kong maraming nakaka alam ng "rugby boys" o yung mga bata sa lansangan na nasa maling landas, dahil inimpluwensyahan sila ng iba pang kabataan na gumagawa ng maling bagay. tignan mo nalng kinababagsakan ng iba?, Kundi sa kulungan, sa sementeryo ang bagsak nila. kaya kung may balak kang gawin ang mga bagay na yan, baguhin mo na ang isip mo kung ayaw mong matulad sa mga taong ngayon ay nasa...... "IMPYERNO" !!!!!!!!


BESI ( paulit-ulit ako)

Wednesday, March 3, 2010

ang kabataan

Dito sa pilipinas palaging sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. totoo nga ba yun? palagi kong naii-isip na kami lang ba? hindi, tayong lahat. dahil kung mag kakaisa tayong lahat na paunlarin ang pilipinas magagawa nating i-angat ang lahing kayumanggi.


Dito sa pilipinas maraming kabataan ang di na pinapahalagahan nang mga nakakatanda. pina-pagawa ng mabibigat na trabaho tulad ng pangangamuhan, tagasisid ng perlas, pinapapasok sa mga club, at iba pa. sana silang mga nakakatanda ay dapat mahalin ang mga kabataan dahil sabi nga ni Rizal ang kabataan ang pag-asa nan bayan.



-Janczel L. Bernas

Tuesday, March 2, 2010

Kalagayan ng Pilipinas


Para sa karaniwang mamamayan, kontrabida ang mga Jeepney Operator sa kanilang hinihinging dagdag pasahe. Lagi na lang daw bang mga pasahero ang babalikat ng parusang dulot ng patuloy na pagtaas ng pasahe.
Ang suliranin ng Pilipinas ay aking inihahalintulad sa pasahe na isa sa mga problema ng mga Pilipino. At masasabi kong sa maliit na bagay nagsisimula ng malaking suliranin, sapagkat ang pagtaas ng pasahe ay nagdudulot rin ng pagtaas ng bilihin. At sa oras na tumaas ang bilihin maaapektohan nito ang budget ng mga ordinaryong mamamayan at ang bawat isa ay mahihirapan nang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya kaya naman hihingi sila ng dagdag sweldo. Sa maikling paliwanag, ang maliit na suliranin tulad ng dagdag pasahe ay dapat nang solusyunansapagkat maaari itong magdulot ng malaking suliranin tulad ng kahirapan at kaguluhan. Masasabi nating kahit papaano ay ipinaglaban natin ang ating karapatan o opinyon patungkol sa patuloy na pagtaas ng pasahe. Pero hindi nagtagal, nakalimutan na natin ang ating ipinaglalaban at sumunod na lamang sa gusto ng mga Jeepney Operator. Hindi ba nila naisip na para saan pa ang ginawa nilang pakikipaglaban kung sa bandang huli ay kanila rin itong lilimutin. Yan ang mali nating mga Pilipino hindi natin pinapaglaban ang ating bansa ng may buong puso at tapang. Puro sa simula lang tayo lumalaban pero sa bandang huli basta na lang pababayaan.
Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin nakaaahon ang Pilipinas sa mga suliranin nito. Sapagkat maraming Pilipino ang nagbubulagbulagan sa mga nakikita niyang nangyayari sa ating bansa. At kahit alam niya ang solusyon at alam niyang may magagawa siya wala parin siyang gagawin at habang-buhay na lamang itatago ang kaniyang nalalaman. Ang bawat Pilipino ay kulang sa paninindigan, lakas ng loob at tapang. Ang tunay na Pilipino ay hindi nagpapatalo at humaharap sa hamon ng buhay. May magagawa ka pinoy!

*celine*

Sunday, February 28, 2010

Ikaw! Bilang Juan dela Cruz

Tulad ng itinanim ng Pangbansang Bayani na si Dr. Jose Rizal sa isipan ng mga Pilipino na ang"Kabataan ang Pag-asa ng Bayan", mga kabataang tila anak ni Juan nagpaptuloy ng mga makabuluhang at prodiktibong gawain para sa bayan. At ito'y ating makakasatuparan lang sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti pagkilala sa mga dapat igalang, pagsunodsa tama at sa ating mga magulang, at higit sa lahat maging responsable at matalino, bukas ang puso't isipan sa kalagayan ng ating bansa. Ikaw ba ay nag-aalala sa kalagayan ng iyong bayan? alam mu ba kung anong klaseng pamamahala mayroon ito, bilang isang Pilipino, isipin at mahalin natin si Juan, mamaring sa pamamagitan ng pag boto ng tama, sa mga nakarehistro at pagsunod sa batas at pakikiisa ,pakikipagtulungan sa ibang mga kapwa Pilipino

*APRIL=)*

BUMOTO ng TAMA.

Eleksyon na naman. Panahon na para pumili ng mga bagong lider na uuto sa ating mga mamamayan. Uuto ? Marahil nga. Sa dinami-dami ng eleksyong dumaan sa ating bansa, hindi pa ba tayo natuto ? Lagi tayong bumoboto sa mga kandidatong puro pangako, pangakong napapako.


Hindi mangungurakot. Hindi magnanakaw sa kaban ng bansa. Lagi na lang ganyan. Ilan na bang kandidato ang nagsabi ng ganyan ? Maniniwala tayo tpos ano ? Magsisisi sa huli. Paulit-ulit na lang lagi. Matuto rin sana tayong kumilatis ng totoo sa nagkukunwari in short plastik. Alam kong hindi pa kami pwedeng bumoto. So what ? bawal na bang makialam sa kalagayan ng pulitika ang mga kabataan. Kahit sa ganitong paraan, naipapahayag namin ang aming mga saloobin ukol sa mga nangyayari sa pulitika sa ating bansa.


Iilan lang sa mga kabataan na pwedeng bumoto ang nagseseryoso. Ang iilan ay ginagawa itong biro. Porket sikat at mayaman , yun na ang naiisip nilang iboto. Huwag naman sana ganito ang pananaw ng mga kabataan na maari ng bumoto. Isipin nila na makapangyarihan ang kanilang boto, kapangyarihan para baguhin ang sistema ng ating bansa. Bigyan nila ng halaga ang kanilang boto, huwag itong aksayahin.

-- maxine

Mapurol na edukasyon

Para sa ikauunlad ng alinmang bansa , Importante ang mataas na kalidad ng edukasyon na abot kaya ng sinumang mamamayan . Ngunit napapansin ko ngayon maraming eskwelahan na sa pagtaas ng martikula ay siyang pagbagsak ng kalidad ng edukasyon . Ito ang magiging sandata mo sa gitna ng gyera . Ito ang tutulong sayo magkaroon ng magandang buhay pagdating ng panahon . Pero ano na ang nangyari sa ating bansa ? Maraming kabataan ang lumalaking walang alam at maraming kabataan ang nalululong sa masamang bisyo . Ito na nga ba ang resulta ng hindi pagtutok ng gobyerno sa edukasyon sa ating bansang sinilangan ?


Oo nga, Marami na ngang pampublikong paaralan ang naitayo ng gobyerno, pero nasa tamang ayos ba ito ? . Kung ating susuriing mabuti maraming pampublikong paaralan ang kulang ng mga guro , kulang ng mga classroom , kulang ng mga kagamitan at higit sa lahat ay maraming guro ang nakakapag turo ng maling impormasyon. Hindi ba nila alm na malaki ang tiwala ng studyante sa kanilang guro , na kung ano man ang kanilang ituro ay madadala nila ito hanggang kanilang paglaki . Mantakin mo na lang kung anong mangyayari sa mga studyante na naturuan ng maling impormasyon at isa pang nakakalungkot na sitwasyon ng ating edukasyon ay mararamdaman at makikita natin sa kalidad ng estudyante. Graduate nga , may natutunan ba ?

Paano maisasakatuparan ang katagang " Ang kabataan ang pagasa ng bayan " kung ganyang ang kalagayan ng edukasyon sa ating bansa . Sa edukasyon nagsisimula ang lahat , kaya sana ay ito pa ang mas pagtuunan ng pansin ng mga opisyal sa gobyerno . At kung matupad man ito ay sana hindi nating biguin ang bayaning ating hinangaan at pinagmamalki .

-Allora mauricio

Pag-angat ng Lahing kayumanggi.

Pag-angat ng Lahing Pilipino.

Ayan ang gusto naming puntohin sa paggawa ng ganitong organisasyon. Organisasyong "Tinig ni Pepe". Teka, Bakit nga ba tinig ni pepe? Marahil nagtataka kayo kung bakit namin naisipang pamagatang TINIG NI PEPE ang organisasyon namin. Dahil yun sa katagang "ANG KABATAAN AY ANG PAG-ASA NG BAYAN" si Dr. Jose P. Rizal ang nagsabi niyan diba? Siya si Pepe. E Teka, Sino naman si Dr. Jose P. Rizal? Maraming mamamayan ng pilipinas ngayon ang hindi nakakakilala sa kanya. Siya lang naman ang PAMBANSANG BAYANI natin. Isa siya sa mga nagbuwis ng buhay para sa KALAYAAN ng bansang pilipinas. Siya yung naka-ukit sa PISO. Ayan, Kilala niyo na? Siguro hindi pa din.

Pag-angat ng lahing kayumanggi, kelan kaya mangyayari? Siguro nga imposible kung tignan. Pero hindi, walang imposible. Bakit kahit bansagan pa tayong LUMPO NG ASYA e hindi pa din tayo nahihiya? Siguro nga dahil may maipagmamalaki pa tayo KAHIT PAPANO. Pero hanggang KAHIT PAPANO na lang ba? Sadyang napakahina na ba talaga ng Lahing pilipino at ni hindi natin matagpuan ang dapat nating kalagyan sa hanay ng mga bansa sa daigdig? Ang mga pilipino ba, lagi na lang titingala sa isang banyagang bansa? Gugustuhin nlang ng banyagang mapapangasawa upang makakuha ng pag-asa at kaginhawaan sa buhay? Lagi na lang bang ganun? Siguro Oo, Siguro din Hindi. Pero nasa atin yan.

Kabataan, Kabataan ay pag-asa ng bayan. Pag-asa nga ba? Siguro nga. Ang tagal nang sinabi ni Rizal yan, Maraming taon na ang nakalipas. Maraming kabataan na ang dumaan, Pero hindi naman magiging pag-asa ng bayan ang kabataan kung hindi tuturuan ng mga nakakatanda. Hindi din pupwedeng aasa na lang ang matatanda sa bata dahil sa kaisipang ANG KABATAAN AY ANG PAG-ASA NG BAYAN. Pero ngayon, andaming bata, bakit hindi pa din nagkakaroon ng pag-asa ang bayan? Madaming dahilan e. Kakulangan ng Edukasyon, Kawalan ng Dangal, Ano pa ba? Hindi tayo matauhan na may nagpakamatay na para sa bayan. Siguro kung nabubuhay sila ngayon e magsisisi sila dahil nasayang lang yung buhay nila, wala namang nangyayari.

~luwis.

Saturday, February 27, 2010

GRAFT and CORRUPTION

Ang Presidential Election sa dadating na Mayo, ang isa sa pinakamalaking pangyayaring inaasahan ng lahat ng Pinoy, isa na ito sa pinakamatunog na usapin dito sa ating bansa. Mga usaping minsa’y magaganda, minsa’y sadyang puro kapangitan. Ang eleksyong ito’y masasabi nating nagpakita ng mga bagay na hindi natin inaasahan. Katulad na lamang ng pagsubok muli ni Mr. Estrada sa pagpasok sa politika. Hindi ba’t nakapagtataka, na nakatatakbo pa rin si Erap, sa kabila ng maitim na imahe n’ya sa karamihan ng mga Pilipino matapos ang di umano’y pangungurakot niya daw noong siya’y nakaupo noon bilang presidente ng Pilipinas. Hindi ba siya pinanghihinaan ng loob sa ganitong pananaw ng Pilipino sa kanya? Ngunit hindi lang naman si Joseph Estrada, marami-rami pa rin siguro ang pinaghihinalaan na mga opisyal na nasisilaw sa kaban ng bayan.

Oo nga naman, Pera ng Pilipinas. May pera tayo, mga kababayan ko. At sino namang tao ang hindi masisilaw kung saka sakaling maging abot kamay na ang perang ito? Talamak na ang kahirapan, ngunit sadyang ganid lang ang ilan na may kaya naman silang mabuhay ngunit mapaghangad pa rin sa mas marami. Hindi ba nila nakikita ang tunay na kalagayan ng Pilipinas? Hindi ba sila tao upang mawalan ng konsensya sa ginagawa nila?


Napakalaking problema ng korapsyon sa atin. Ngunit ano o sino nga ba ang masisisi natin? Ngunit siguro’y kaysa ating problemahin iyan, ating problemahin ang mga hakbang na atin maaaring gawin upang mawala ito. Ang mga Pilipino’y lubos nang kumontra rito. Ipinagsigawan na nila ang kanilang mga damdamin upang lubos na mawala ito. Ngunit sa pagtagal ay nawawalan na rin ng pagasa ang mga Pilipino sa pagkontra rito, ayon sa isang SWS survey, bumaba ng husto ang pakikipaglaban ng Pilipino sa korapsyon.



*mula sa site ng SWS (social weather station)


Ano mga kapwa ko Pilipino? Itutuloy pa ba natin ang pagbagsak nang dami ng Pilipinong lumalaban? Sinalamin na rin ng chart na ito ang pagbagsak ng Pilipinas, pagbagsak ng lakas ng loob ng mga Pilipinong tinagurian nang, “mga taong maraming pinagdaanan ngunit walang dapat na sukuan.”

-Michelle.

Tinig ni Pepe !

"TINIG NI PEPE". Ipagsiwagan ! Ipakalat ang mga salitang mag-aangat sa LAHING PILIPINO.


Halina't sumali sa organisasayong ito na maglalayong BUHAYIN ANG TUNAY NA JUAN SA SARILI NATIN. Bigyang halaga ang iyong maliit na tinig !

kabataan ang pag-asa ng bayan ?

Gamit na gamit na ang katagang " kabataan ang pag-asa ng bayan " ni Dr. Jose Rizal. Sa panahong ito, masasabi nga ba natin na tayong mga kabataan ang nananatiling pag-asa ng ating bayang nsinilangan. Marahil ang iilan ay hindi na naniniwala rito. Karamihan ay ginagawa na lang itong isang malaking biro. Kabataan ? TAYO ! Dapat ay alamin muna natin sa sarili natin kung ano ang ating mga kayang gawin para sa bayan bago matawag na "PAG-ASA NG BAYAN".

Sa aking palagay, matuturing pa tayo bilang PAG-ASA ng BAYAN. Isang mahalang elementong taglay natin ay ang ating EDUKASYON. Dapat ay matuto tayong magpahalaga sa edukasyong ating pinanghahawakan. Ito'y ating sandata para maipaglaban ang ating bansa kahit sa maliit na paraan. Kahit sa maliliit na paraan ay naiaangat natin ang "LAHING PILIPINO".

-- maxine.

”OPLAN Mula sa Kabataan, Pagbabagong Inaasahang Makakamtan”

Karamihan sa kabataan ngayon sa ating lipunan ay nagsasaad na wala na daw silang magagawa para maiangat ang ating bayan. Sinasabi nila na wala na daw silang kakayahan na ipagmalaki at iahon sa hirap ang Pilipinas. Pero kung titignan natin, hindi naman dapat gumawa tayo ng napakalaking bagay para makapagpabago tayo ng takbo ng kapalaran ng bansa. Pwede na ang mga simpleng bagay na kaya nating kabataan na gawin sa araw-araw para umunlad at umangat ito. Iyan ang programa ng aming organisasyon na ”Tinig ni Pepe”. Ito ay ang OPLAN Mula sa Kabataan, Pagbabagong Inaasahang Makakamtan. Ito ay mga paraan na kayang isagawa ng mga kabataan tulad natin.

Una dito ay ang katangian na dapat taglayin ng lahat at naming kabataan. Ito ay ang pagkakaroon ng Kabutihan sa Sarili o Kindness. Halos lahat tayo ay nakaranas na ng mga kalupitan o hindi kanais-nais na pangyayari sa ating mga buhay. Ito ay parte ng ating buhay ngunit hindi dapat tayo maging parte ng mga gawaing ito. Hindi natin malalaman na baka sa gawaing katulad ng ”Mas inuuna ang kabutihan ng iba kaysa sa ating mga sarili” na nagsasaad na mas pinapahalagahan natin muna ang iba bago ang sarili ay makatulong tayo sa iba. Isang paraan na kung saan maaaring umangat ang lahing Pilipino kasama ang tulong nating kabataan.

Sumunod ay sa simpleng Pagtatapos ng Pag-aaral. Makakatulong ito dahil maaaring magkaroon tayo ng interes na kumuha ng kurso na matatapos natin at makakahawi at makakagitla (matauhan) ng damdamin ng iba. Pwede rin naman nating magitla ang buhay ng iba nating mga katrabaho at kaklase. Hindi naman mahalaga na malayo ang narating ng iyong impluwensya, ang mahalaga ay nakapag-impluwensya ka sa iba. Ang taong tapos ng pag-aaral ay mas mataas ang kinatutungtungan para makatulong sa pag-angat ng bayan dahil alam nila kung ano ang tamang gawin para makapamahagi ng tulong sa bayan upang umunlad ito.

Ang huli ay ang Pagkakaroon ng Lakas ng Loob ipahayag ang sariling damdamin o Opinyon sa mga bagay tungkol sa ating bayan. Dapat ay magkaroon tayo ng lakas ng loob o tiwala sa sarili na magpahayag ng ating mga nalalaman, mga ideya, at mga hinanaing sa mga bagay na nagpapalubog sa ating bansa. Dapat rin tayong umaksyon kung alam natin na kaya naman natin itong magampanan ng maayos. Ipagsigawan ang karapatan natin. Malaya tayong gawin ito kung meron lamang tayong tiwala sa sarili at lakas ng loob.

Tayong mga kabataan ay dapat meron ng mga ito. Simpleng mga paraan para makatulong sa pagbabago at maiangat ang Lahing Kayumanggi, ang lahing Pilipino. Gawin nating namumukod-tangi ang Pilipinas sa ibang mga bansa. Ipagmalaki natin ang ating bayang sinilangan. Huwag tayong magpapaalipin at magpaakit sa ibang bansa. Alalahanin natin na mayroon tayong sariling bansa. Sariling bansa na dapat ipagmalaki. Sariling bansa na dapat ay mapaunlad natin. Higit sa lahat alalahanin natin na tayo ang kabataan, kabataan sa henersyon na ito na pag-asa ng mga susunod na henerasyon. Magsisimula sa atin ang pagbabago. Mula sa kabataan, ang pagbabagong inaasahan ay ating makakamtan.

-Dwight Manalastas-

Friday, February 26, 2010

Pageendorso ng "Tinig ni Pepe"

Sa section naming Skylark sa DLSAU ay mayroon kaming isang organisasyon na may pangalang..."TINIG NI PEPE". Mayroon pa kaming blogsite na prinopromote na naglalayon na maiangat ang lahing Pilipino sa pamamaraang alm naming mga bata ay magagawa ito ng marangal at matiwasay. Ito ay ang tinignipepe.blogspot.com. Maraming Slamat po...

-dwight1326-

Thursday, February 25, 2010

Tinig ni Pepe: Buhayin ang tunay na Juan sa sarili natin

Tinig ni Pepe
Buhayin ang tunay na Juan sa sarili natin.

Politika, Kabataan, Edukasyon, Kalusugan, iilang mga bagay na pinoproblema ng Pilipinas ngayon. Mga bagay na matagal na nating hinahanapan ng solusyon ngunit hanggang ngayo’y nasa listahan pa rin ng mga bagay na dapat nating ayusin. Ang korapsyon sa politika, ang paglaganap ng drug users sa mga kabataan, kababaan ng kalidad at pondo sa edukasyon, at masakit mang isipan, ay ang pagkamatay ng maraming tao sa sakit dahil sa kakulangan sa serbisyo sa kalusugan. Kaya naman nais ng programa naming malaman ng tao na tunay na nasa ating kamay ang pagbabago, nais naming ibahin ang pananaw na nakalakihan ng bawat Pilipino. Hinahangad naming ayusin ang paniniwalang ang sasakyang Pilipinas ay tuluyan ng hihinto sa pagtakbo, at mapagiiwanan na ng iba pang sasakyan sa karerang ito. Nais naming sabihing ang sasakyang ito’y may magaling at maipagmamalaking drayber, na nawala lamang sa landas nya at hindi maliwanagan sa nararapat niyang gawin. Aksyon na tanging paraan upang muling makipagsabayan sa iba pang mga sasakyan, katulad ng dati. Isigaw natin ang ating mga munting tinig.


-Camille Cabrito-