Friday, March 12, 2010

Magising sa Katotohanan

Nakararanas na tayo ng mga kalupitan sa ating panahon ngayon. Iba’t-ibang paraan ng pagmamaltrato sa mga kababayan natin lalo na sa ibang bansa. Papayag nalang ba tayong nagpapaapi nang ganun ganun nalang? Tatawagin tayong mga unggoy?! Masakit para sa karamihan yun. Nilalait tayo ng mga dayuhan! Pilipino ka! Magising ka naman! Magising ka na at malaman na kailangan mong kumilos! Huwag magpaapi sa iba! Maging halimbawa sana ang mga ginawang paglalaban at pagsasakripisyo ng buhay nang ating mga bayani. Huwag natin itong isawalang bahala nalang! Kailangan aksyonan at lutasin natin ito! Gawin natin hanggat maaari ang mga nagawa ng ating mga bayani!…magagawa lamang ito kung lahat ay magkakaroon ng isang salita. Isang boses. Isang sigaw sa karapatan para maging malaya. Malaya sa paglalahad ng mga nararamdaman natin. Higit sa lahat, karapatan maging isang PILIPINO! Pilipino na nirerespeto ng iba. Pilipino na maipagmamalaki. Pilipino na namumukudtangi sa ankging galing. Pilipino na…gising na ang diwa sa mga nangyayari sa ating bayan. PILIPINO…GUMISING KA!

-Dwight Manalastas-

No comments:

Post a Comment