Saturday, March 13, 2010

"Bumangon Ka"

Sa paglipas ng panahon, alam kong marami pa kong kailangan matutunan, mapanindigan at mapatunayan. Sasabihin ng iba dyan, "bakit mo sinasabi yan eh bata ka pa, tsaka mo na asikasuhin yan pag matanda ka na". Kung ganun naman pala, bakit walang magawa ang mga nakakatanda saaking paligid. Lumaki ako sa hindi kagandahang baranggay. Araw-araw may mga lassengo sa kalye, nagbubugbugan, nagkakainitan. Tapos sasabihin lang ng iba na isipin ko ang responsibilidad saaking pagtanda. Kung sa paligid ko naman, mga taong may pamilya ngunit inuuna ang sariling kaligayahan. Inuubos ang pera sa bisyo at alak, kaya hindi mabigyan ng tamang edukasyon ang mga anak.

Meron akong napanood na isang interview tungkol sa isang nanay na iniinterview dahil sa kanyang anak. Ang kanyang anak ay nalapnos ang mukha dahil niligatas nito ang kanyang kapatid sa kanilang nasusunog na bahay. Tinanong ng reporter ang nanay,"Anu na po ang gagawin niyo?". Sumagot ang nanay,"Wala, wala na kasi ang lahat ng pinagpaguran ko." Isipin mo yun, yung anak nyang 6-anyos, pinasok yung bahay na walang kaabog-abog, basta't mailigtas lang ang kanyang nakababatang kapatid. Tapos sarili niyang nanay wala nang gagawin para sakanila. Ni hindi man lang inisip yung mga anak niya.

Yan ang problema nang karamihan saating mga pilipino. May pagsubok lang na dumating, ni hindi man lang sinubukan ayusin, susuko na agad. Umiiral ang pagiging tamad. Nadapa lang, nakita nang maraming tao, napahiya siya. Hindi man lang sinubukang tumayo. Magiging habang buhay siya dun sa kahihiyan na iyon. Kasi hindi man lang niya sinubukang umalis dun sa pwesto niya, sa kadahilanang natatakot siyang madapa ulit. Pero dapat matuto tayong tanggapin ang mga ito, dahil ito ang huhubog saatin upang maging isang tao. Kung matuto tayong harapin ang pagsubok, at alisin ang ating katamaran. Hindi na tayong matatawag na "LUMPO NG ASYA".

-arianne-

No comments:

Post a Comment