Saturday, March 6, 2010

"Sa panahon ngayon, Pag nagsabi ka ng totoo, Magtago ka na."

“Sa panahon ngayon, Pag nagsabi ka ng totoo, Magtago ka na.”

Narinig ko lang sa pinapanuod ng daddy ko tuwing umaga. Totoo naman diba? Bakit ba nagkakaganito ang pilipinas? Masama na bang magsabi ng totoo ngayon? Sabagay, Misan na lang kasi paniwalaan ang totoo. Pinaniniwalaan na lang kung may ebidensya. Diyos na nga lang ang kakampi mo kung magsasabi ka ng totoo na walang ebidensya e. Kung nakakapagsalita lang siya, Siguro Payapa? Hindi ren.

Pero bakit napunta ang dating HINAHANGAANG BANSA sa isang Lumpong nakakahiya? Oo nga, Masakit. Hindi katanggap-tanggap. E ganyan naman kasi talaga diba? Kasalan mo din naman yan e. Kasalanan mo, Kasalanan ko, Kasalanan niya. Pinapahiya natin bansa natin. E paano kasi, Simpleng batas pa lang hindi na masunod, Paano pa kaya sa malalaki. Kasi dito sa pilipinas, Pagka batas, Gagamitin pa yung puso minsan, Maaawa pa. Oo, Hindi masamang maawa, Pero BATAS yon. Kasalanan niya kung hindi siya sumunod, Multa kung multa, Pagbayaran kung pagbayaran, Pero hindi e? Dito, Pagbibigyan pa, Abutan ka lang. Ganon na lang ba halaga ng dangal mo? Nabibili na lang siya ngayon? Kaya hindi ka umuunlad. Kasama bansa mo, Bansa natin.

Kailan kaya ‘to maaayos? Pag nabuhay ulit si Rizal? si Ninoy? Kailangan pa ba lagi na lang may magsasakripisyo ng buhay para lang sa bansa? Para sa mga taong walang pakialam sa bansa nila? Nabaon na lang ba sa Piso yung sinakripisyo ni Rizal? Nakatatak na lang ba sa Limang daan yung sinakripisyo ni Ninoy? Lahat na lang ba ng mahihirap gustong maging kano? Lahat na lang ba ng mayayaman guston maging espanyol? E sino may gustong maging pilipino? Wala? Kasi e, Kahit saang sulok daw ng mundo, May pilipino. Teka, hindi pa tapos.. May pilipino.. PILIPINONG ALIPIN.

~Louise. ;)

No comments:

Post a Comment