Saturday, March 13, 2010

Practice-Elections, Laro!?

Panahon nanaman ng eleksyon, pati sa mga eskuwelahan may eleksyon din.
Pag ganitong panahon, nandiyan ang kampanya at mga gimik.
Sa mga eskuwelahan may 'SSG' sila ang kinakatawan ng bawat estudyante sa paaralan.
Para mabuo sila kailangan may botohan, nandiyan ang pwestong presidente,
bise presidente, at marami pang iba.
Sabi ng mga guro paraan daw ito para ma-practice daw kami para kapag pwede na kaming bumoto sa totoong halalan.
Pero nakakatakot isipin na sa 'practice' na ito, maraming hindi ito sineseryoso, nag tanong ako sa isa kong kamag-aral
"sino ang iboboto mong presidente?' sabi niya, "siyempre ung POGI!"
at
doon naman sa isa,"sino ang iboboto mo sa bise presidente?"
ang sinabi niya sa akin ay,"ako iboboto ko ung mga hindi sikat! Yung mukhang walang magagawa."
Tinanong ko siya kung bakit ang sabi niya"Wala lang trip lng."
Napa-isip ako "Tama ba ang kanyang gagawin?" "Paano kung manalo iyon?, Anong mangyayari sa ating paaralan?"
"Paano kung totoong eleksyon 'to e 'di hindi natin alam ang kahihinatnan ng Pilipinas."
Tama nga bang gawing "trip" ang pag-boto?
Sa totoo lang ang isang boto ay katumbas ng malaking desisyon na mahirap baguhin kung mag kamali ka man.
Ang pag sisisi ay laging nasa hulihan.
Sana hindi natin gawing laro ang pag boto at sana tama ang desisyon na gagawin natin.
Sana bumoto tayo ng maayos, Iboto ang karaapat-dapat.
[M@R1@3_30!^^~]

No comments:

Post a Comment