Friday, March 12, 2010

Mga maling akala.

Sabi nga ng karamihan kapag pumunta ka raw sa iba't-ibang bansa sa mundo ay
may Pilipino kahit na ang bansang mahirap din tulad ng HAITI.
Natutuwa pa nga ang ating gobyerno kapag tumataas ang mga remittances galing
ibang bansa, akala nila uunlad ang Pilipinas dahil doon?
Hindi kaya!
Sa totoo lang marami namang trabaho sa Pilipinas e,
Ikaw nga mismo kahit na mag tayo ka ng maliit na negosyo income na rin iyon.
Akala natin kapag nangingibang bansa ka uunlad ang pamilya mo ,
at totoo iyon
pero paano naman ang iyong bayan? Sarili lang ba ang iintindihin mo o ang bayan
mo?
Naalala ko yung mag-asawa dun sa blog na pinabasa sa amin ni Bb. Orbillo kahit
na alam nilang mas malaki ang kita nila sa ibang bansa kung doon sila mag ta-
trabaho,
mas pinili parin nilang dito mag trabaho dahil alam nila na malaki ang
maitutulong nila sa kanilang sarili at sariling bayan.
[mariae30!^^~]

No comments:

Post a Comment