Sunday, February 28, 2010

Ikaw! Bilang Juan dela Cruz

Tulad ng itinanim ng Pangbansang Bayani na si Dr. Jose Rizal sa isipan ng mga Pilipino na ang"Kabataan ang Pag-asa ng Bayan", mga kabataang tila anak ni Juan nagpaptuloy ng mga makabuluhang at prodiktibong gawain para sa bayan. At ito'y ating makakasatuparan lang sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti pagkilala sa mga dapat igalang, pagsunodsa tama at sa ating mga magulang, at higit sa lahat maging responsable at matalino, bukas ang puso't isipan sa kalagayan ng ating bansa. Ikaw ba ay nag-aalala sa kalagayan ng iyong bayan? alam mu ba kung anong klaseng pamamahala mayroon ito, bilang isang Pilipino, isipin at mahalin natin si Juan, mamaring sa pamamagitan ng pag boto ng tama, sa mga nakarehistro at pagsunod sa batas at pakikiisa ,pakikipagtulungan sa ibang mga kapwa Pilipino

*APRIL=)*

BUMOTO ng TAMA.

Eleksyon na naman. Panahon na para pumili ng mga bagong lider na uuto sa ating mga mamamayan. Uuto ? Marahil nga. Sa dinami-dami ng eleksyong dumaan sa ating bansa, hindi pa ba tayo natuto ? Lagi tayong bumoboto sa mga kandidatong puro pangako, pangakong napapako.


Hindi mangungurakot. Hindi magnanakaw sa kaban ng bansa. Lagi na lang ganyan. Ilan na bang kandidato ang nagsabi ng ganyan ? Maniniwala tayo tpos ano ? Magsisisi sa huli. Paulit-ulit na lang lagi. Matuto rin sana tayong kumilatis ng totoo sa nagkukunwari in short plastik. Alam kong hindi pa kami pwedeng bumoto. So what ? bawal na bang makialam sa kalagayan ng pulitika ang mga kabataan. Kahit sa ganitong paraan, naipapahayag namin ang aming mga saloobin ukol sa mga nangyayari sa pulitika sa ating bansa.


Iilan lang sa mga kabataan na pwedeng bumoto ang nagseseryoso. Ang iilan ay ginagawa itong biro. Porket sikat at mayaman , yun na ang naiisip nilang iboto. Huwag naman sana ganito ang pananaw ng mga kabataan na maari ng bumoto. Isipin nila na makapangyarihan ang kanilang boto, kapangyarihan para baguhin ang sistema ng ating bansa. Bigyan nila ng halaga ang kanilang boto, huwag itong aksayahin.

-- maxine

Mapurol na edukasyon

Para sa ikauunlad ng alinmang bansa , Importante ang mataas na kalidad ng edukasyon na abot kaya ng sinumang mamamayan . Ngunit napapansin ko ngayon maraming eskwelahan na sa pagtaas ng martikula ay siyang pagbagsak ng kalidad ng edukasyon . Ito ang magiging sandata mo sa gitna ng gyera . Ito ang tutulong sayo magkaroon ng magandang buhay pagdating ng panahon . Pero ano na ang nangyari sa ating bansa ? Maraming kabataan ang lumalaking walang alam at maraming kabataan ang nalululong sa masamang bisyo . Ito na nga ba ang resulta ng hindi pagtutok ng gobyerno sa edukasyon sa ating bansang sinilangan ?


Oo nga, Marami na ngang pampublikong paaralan ang naitayo ng gobyerno, pero nasa tamang ayos ba ito ? . Kung ating susuriing mabuti maraming pampublikong paaralan ang kulang ng mga guro , kulang ng mga classroom , kulang ng mga kagamitan at higit sa lahat ay maraming guro ang nakakapag turo ng maling impormasyon. Hindi ba nila alm na malaki ang tiwala ng studyante sa kanilang guro , na kung ano man ang kanilang ituro ay madadala nila ito hanggang kanilang paglaki . Mantakin mo na lang kung anong mangyayari sa mga studyante na naturuan ng maling impormasyon at isa pang nakakalungkot na sitwasyon ng ating edukasyon ay mararamdaman at makikita natin sa kalidad ng estudyante. Graduate nga , may natutunan ba ?

Paano maisasakatuparan ang katagang " Ang kabataan ang pagasa ng bayan " kung ganyang ang kalagayan ng edukasyon sa ating bansa . Sa edukasyon nagsisimula ang lahat , kaya sana ay ito pa ang mas pagtuunan ng pansin ng mga opisyal sa gobyerno . At kung matupad man ito ay sana hindi nating biguin ang bayaning ating hinangaan at pinagmamalki .

-Allora mauricio

Pag-angat ng Lahing kayumanggi.

Pag-angat ng Lahing Pilipino.

Ayan ang gusto naming puntohin sa paggawa ng ganitong organisasyon. Organisasyong "Tinig ni Pepe". Teka, Bakit nga ba tinig ni pepe? Marahil nagtataka kayo kung bakit namin naisipang pamagatang TINIG NI PEPE ang organisasyon namin. Dahil yun sa katagang "ANG KABATAAN AY ANG PAG-ASA NG BAYAN" si Dr. Jose P. Rizal ang nagsabi niyan diba? Siya si Pepe. E Teka, Sino naman si Dr. Jose P. Rizal? Maraming mamamayan ng pilipinas ngayon ang hindi nakakakilala sa kanya. Siya lang naman ang PAMBANSANG BAYANI natin. Isa siya sa mga nagbuwis ng buhay para sa KALAYAAN ng bansang pilipinas. Siya yung naka-ukit sa PISO. Ayan, Kilala niyo na? Siguro hindi pa din.

Pag-angat ng lahing kayumanggi, kelan kaya mangyayari? Siguro nga imposible kung tignan. Pero hindi, walang imposible. Bakit kahit bansagan pa tayong LUMPO NG ASYA e hindi pa din tayo nahihiya? Siguro nga dahil may maipagmamalaki pa tayo KAHIT PAPANO. Pero hanggang KAHIT PAPANO na lang ba? Sadyang napakahina na ba talaga ng Lahing pilipino at ni hindi natin matagpuan ang dapat nating kalagyan sa hanay ng mga bansa sa daigdig? Ang mga pilipino ba, lagi na lang titingala sa isang banyagang bansa? Gugustuhin nlang ng banyagang mapapangasawa upang makakuha ng pag-asa at kaginhawaan sa buhay? Lagi na lang bang ganun? Siguro Oo, Siguro din Hindi. Pero nasa atin yan.

Kabataan, Kabataan ay pag-asa ng bayan. Pag-asa nga ba? Siguro nga. Ang tagal nang sinabi ni Rizal yan, Maraming taon na ang nakalipas. Maraming kabataan na ang dumaan, Pero hindi naman magiging pag-asa ng bayan ang kabataan kung hindi tuturuan ng mga nakakatanda. Hindi din pupwedeng aasa na lang ang matatanda sa bata dahil sa kaisipang ANG KABATAAN AY ANG PAG-ASA NG BAYAN. Pero ngayon, andaming bata, bakit hindi pa din nagkakaroon ng pag-asa ang bayan? Madaming dahilan e. Kakulangan ng Edukasyon, Kawalan ng Dangal, Ano pa ba? Hindi tayo matauhan na may nagpakamatay na para sa bayan. Siguro kung nabubuhay sila ngayon e magsisisi sila dahil nasayang lang yung buhay nila, wala namang nangyayari.

~luwis.

Saturday, February 27, 2010

GRAFT and CORRUPTION

Ang Presidential Election sa dadating na Mayo, ang isa sa pinakamalaking pangyayaring inaasahan ng lahat ng Pinoy, isa na ito sa pinakamatunog na usapin dito sa ating bansa. Mga usaping minsa’y magaganda, minsa’y sadyang puro kapangitan. Ang eleksyong ito’y masasabi nating nagpakita ng mga bagay na hindi natin inaasahan. Katulad na lamang ng pagsubok muli ni Mr. Estrada sa pagpasok sa politika. Hindi ba’t nakapagtataka, na nakatatakbo pa rin si Erap, sa kabila ng maitim na imahe n’ya sa karamihan ng mga Pilipino matapos ang di umano’y pangungurakot niya daw noong siya’y nakaupo noon bilang presidente ng Pilipinas. Hindi ba siya pinanghihinaan ng loob sa ganitong pananaw ng Pilipino sa kanya? Ngunit hindi lang naman si Joseph Estrada, marami-rami pa rin siguro ang pinaghihinalaan na mga opisyal na nasisilaw sa kaban ng bayan.

Oo nga naman, Pera ng Pilipinas. May pera tayo, mga kababayan ko. At sino namang tao ang hindi masisilaw kung saka sakaling maging abot kamay na ang perang ito? Talamak na ang kahirapan, ngunit sadyang ganid lang ang ilan na may kaya naman silang mabuhay ngunit mapaghangad pa rin sa mas marami. Hindi ba nila nakikita ang tunay na kalagayan ng Pilipinas? Hindi ba sila tao upang mawalan ng konsensya sa ginagawa nila?


Napakalaking problema ng korapsyon sa atin. Ngunit ano o sino nga ba ang masisisi natin? Ngunit siguro’y kaysa ating problemahin iyan, ating problemahin ang mga hakbang na atin maaaring gawin upang mawala ito. Ang mga Pilipino’y lubos nang kumontra rito. Ipinagsigawan na nila ang kanilang mga damdamin upang lubos na mawala ito. Ngunit sa pagtagal ay nawawalan na rin ng pagasa ang mga Pilipino sa pagkontra rito, ayon sa isang SWS survey, bumaba ng husto ang pakikipaglaban ng Pilipino sa korapsyon.



*mula sa site ng SWS (social weather station)


Ano mga kapwa ko Pilipino? Itutuloy pa ba natin ang pagbagsak nang dami ng Pilipinong lumalaban? Sinalamin na rin ng chart na ito ang pagbagsak ng Pilipinas, pagbagsak ng lakas ng loob ng mga Pilipinong tinagurian nang, “mga taong maraming pinagdaanan ngunit walang dapat na sukuan.”

-Michelle.

Tinig ni Pepe !

"TINIG NI PEPE". Ipagsiwagan ! Ipakalat ang mga salitang mag-aangat sa LAHING PILIPINO.


Halina't sumali sa organisasayong ito na maglalayong BUHAYIN ANG TUNAY NA JUAN SA SARILI NATIN. Bigyang halaga ang iyong maliit na tinig !

kabataan ang pag-asa ng bayan ?

Gamit na gamit na ang katagang " kabataan ang pag-asa ng bayan " ni Dr. Jose Rizal. Sa panahong ito, masasabi nga ba natin na tayong mga kabataan ang nananatiling pag-asa ng ating bayang nsinilangan. Marahil ang iilan ay hindi na naniniwala rito. Karamihan ay ginagawa na lang itong isang malaking biro. Kabataan ? TAYO ! Dapat ay alamin muna natin sa sarili natin kung ano ang ating mga kayang gawin para sa bayan bago matawag na "PAG-ASA NG BAYAN".

Sa aking palagay, matuturing pa tayo bilang PAG-ASA ng BAYAN. Isang mahalang elementong taglay natin ay ang ating EDUKASYON. Dapat ay matuto tayong magpahalaga sa edukasyong ating pinanghahawakan. Ito'y ating sandata para maipaglaban ang ating bansa kahit sa maliit na paraan. Kahit sa maliliit na paraan ay naiaangat natin ang "LAHING PILIPINO".

-- maxine.

”OPLAN Mula sa Kabataan, Pagbabagong Inaasahang Makakamtan”

Karamihan sa kabataan ngayon sa ating lipunan ay nagsasaad na wala na daw silang magagawa para maiangat ang ating bayan. Sinasabi nila na wala na daw silang kakayahan na ipagmalaki at iahon sa hirap ang Pilipinas. Pero kung titignan natin, hindi naman dapat gumawa tayo ng napakalaking bagay para makapagpabago tayo ng takbo ng kapalaran ng bansa. Pwede na ang mga simpleng bagay na kaya nating kabataan na gawin sa araw-araw para umunlad at umangat ito. Iyan ang programa ng aming organisasyon na ”Tinig ni Pepe”. Ito ay ang OPLAN Mula sa Kabataan, Pagbabagong Inaasahang Makakamtan. Ito ay mga paraan na kayang isagawa ng mga kabataan tulad natin.

Una dito ay ang katangian na dapat taglayin ng lahat at naming kabataan. Ito ay ang pagkakaroon ng Kabutihan sa Sarili o Kindness. Halos lahat tayo ay nakaranas na ng mga kalupitan o hindi kanais-nais na pangyayari sa ating mga buhay. Ito ay parte ng ating buhay ngunit hindi dapat tayo maging parte ng mga gawaing ito. Hindi natin malalaman na baka sa gawaing katulad ng ”Mas inuuna ang kabutihan ng iba kaysa sa ating mga sarili” na nagsasaad na mas pinapahalagahan natin muna ang iba bago ang sarili ay makatulong tayo sa iba. Isang paraan na kung saan maaaring umangat ang lahing Pilipino kasama ang tulong nating kabataan.

Sumunod ay sa simpleng Pagtatapos ng Pag-aaral. Makakatulong ito dahil maaaring magkaroon tayo ng interes na kumuha ng kurso na matatapos natin at makakahawi at makakagitla (matauhan) ng damdamin ng iba. Pwede rin naman nating magitla ang buhay ng iba nating mga katrabaho at kaklase. Hindi naman mahalaga na malayo ang narating ng iyong impluwensya, ang mahalaga ay nakapag-impluwensya ka sa iba. Ang taong tapos ng pag-aaral ay mas mataas ang kinatutungtungan para makatulong sa pag-angat ng bayan dahil alam nila kung ano ang tamang gawin para makapamahagi ng tulong sa bayan upang umunlad ito.

Ang huli ay ang Pagkakaroon ng Lakas ng Loob ipahayag ang sariling damdamin o Opinyon sa mga bagay tungkol sa ating bayan. Dapat ay magkaroon tayo ng lakas ng loob o tiwala sa sarili na magpahayag ng ating mga nalalaman, mga ideya, at mga hinanaing sa mga bagay na nagpapalubog sa ating bansa. Dapat rin tayong umaksyon kung alam natin na kaya naman natin itong magampanan ng maayos. Ipagsigawan ang karapatan natin. Malaya tayong gawin ito kung meron lamang tayong tiwala sa sarili at lakas ng loob.

Tayong mga kabataan ay dapat meron ng mga ito. Simpleng mga paraan para makatulong sa pagbabago at maiangat ang Lahing Kayumanggi, ang lahing Pilipino. Gawin nating namumukod-tangi ang Pilipinas sa ibang mga bansa. Ipagmalaki natin ang ating bayang sinilangan. Huwag tayong magpapaalipin at magpaakit sa ibang bansa. Alalahanin natin na mayroon tayong sariling bansa. Sariling bansa na dapat ipagmalaki. Sariling bansa na dapat ay mapaunlad natin. Higit sa lahat alalahanin natin na tayo ang kabataan, kabataan sa henersyon na ito na pag-asa ng mga susunod na henerasyon. Magsisimula sa atin ang pagbabago. Mula sa kabataan, ang pagbabagong inaasahan ay ating makakamtan.

-Dwight Manalastas-

Friday, February 26, 2010

Pageendorso ng "Tinig ni Pepe"

Sa section naming Skylark sa DLSAU ay mayroon kaming isang organisasyon na may pangalang..."TINIG NI PEPE". Mayroon pa kaming blogsite na prinopromote na naglalayon na maiangat ang lahing Pilipino sa pamamaraang alm naming mga bata ay magagawa ito ng marangal at matiwasay. Ito ay ang tinignipepe.blogspot.com. Maraming Slamat po...

-dwight1326-

Thursday, February 25, 2010

Tinig ni Pepe: Buhayin ang tunay na Juan sa sarili natin

Tinig ni Pepe
Buhayin ang tunay na Juan sa sarili natin.

Politika, Kabataan, Edukasyon, Kalusugan, iilang mga bagay na pinoproblema ng Pilipinas ngayon. Mga bagay na matagal na nating hinahanapan ng solusyon ngunit hanggang ngayo’y nasa listahan pa rin ng mga bagay na dapat nating ayusin. Ang korapsyon sa politika, ang paglaganap ng drug users sa mga kabataan, kababaan ng kalidad at pondo sa edukasyon, at masakit mang isipan, ay ang pagkamatay ng maraming tao sa sakit dahil sa kakulangan sa serbisyo sa kalusugan. Kaya naman nais ng programa naming malaman ng tao na tunay na nasa ating kamay ang pagbabago, nais naming ibahin ang pananaw na nakalakihan ng bawat Pilipino. Hinahangad naming ayusin ang paniniwalang ang sasakyang Pilipinas ay tuluyan ng hihinto sa pagtakbo, at mapagiiwanan na ng iba pang sasakyan sa karerang ito. Nais naming sabihing ang sasakyang ito’y may magaling at maipagmamalaking drayber, na nawala lamang sa landas nya at hindi maliwanagan sa nararapat niyang gawin. Aksyon na tanging paraan upang muling makipagsabayan sa iba pang mga sasakyan, katulad ng dati. Isigaw natin ang ating mga munting tinig.


-Camille Cabrito-