Saturday, February 27, 2010

GRAFT and CORRUPTION

Ang Presidential Election sa dadating na Mayo, ang isa sa pinakamalaking pangyayaring inaasahan ng lahat ng Pinoy, isa na ito sa pinakamatunog na usapin dito sa ating bansa. Mga usaping minsa’y magaganda, minsa’y sadyang puro kapangitan. Ang eleksyong ito’y masasabi nating nagpakita ng mga bagay na hindi natin inaasahan. Katulad na lamang ng pagsubok muli ni Mr. Estrada sa pagpasok sa politika. Hindi ba’t nakapagtataka, na nakatatakbo pa rin si Erap, sa kabila ng maitim na imahe n’ya sa karamihan ng mga Pilipino matapos ang di umano’y pangungurakot niya daw noong siya’y nakaupo noon bilang presidente ng Pilipinas. Hindi ba siya pinanghihinaan ng loob sa ganitong pananaw ng Pilipino sa kanya? Ngunit hindi lang naman si Joseph Estrada, marami-rami pa rin siguro ang pinaghihinalaan na mga opisyal na nasisilaw sa kaban ng bayan.

Oo nga naman, Pera ng Pilipinas. May pera tayo, mga kababayan ko. At sino namang tao ang hindi masisilaw kung saka sakaling maging abot kamay na ang perang ito? Talamak na ang kahirapan, ngunit sadyang ganid lang ang ilan na may kaya naman silang mabuhay ngunit mapaghangad pa rin sa mas marami. Hindi ba nila nakikita ang tunay na kalagayan ng Pilipinas? Hindi ba sila tao upang mawalan ng konsensya sa ginagawa nila?


Napakalaking problema ng korapsyon sa atin. Ngunit ano o sino nga ba ang masisisi natin? Ngunit siguro’y kaysa ating problemahin iyan, ating problemahin ang mga hakbang na atin maaaring gawin upang mawala ito. Ang mga Pilipino’y lubos nang kumontra rito. Ipinagsigawan na nila ang kanilang mga damdamin upang lubos na mawala ito. Ngunit sa pagtagal ay nawawalan na rin ng pagasa ang mga Pilipino sa pagkontra rito, ayon sa isang SWS survey, bumaba ng husto ang pakikipaglaban ng Pilipino sa korapsyon.



*mula sa site ng SWS (social weather station)


Ano mga kapwa ko Pilipino? Itutuloy pa ba natin ang pagbagsak nang dami ng Pilipinong lumalaban? Sinalamin na rin ng chart na ito ang pagbagsak ng Pilipinas, pagbagsak ng lakas ng loob ng mga Pilipinong tinagurian nang, “mga taong maraming pinagdaanan ngunit walang dapat na sukuan.”

-Michelle.

1 comment:

  1. Sadyang napaka makasarili nga naman ng mga tao ngayon . tama ka sa parteng sino nga ba naman ang di masisilaw sa pera ng ating bayan kung abot kamy mo na ito . pero alam naman nating lahat na kung tunay ang hangarin nilang maglingkod sa ating bansa ee hinde nila ito magagawa .

    ReplyDelete