Thursday, February 25, 2010

Tinig ni Pepe: Buhayin ang tunay na Juan sa sarili natin

Tinig ni Pepe
Buhayin ang tunay na Juan sa sarili natin.

Politika, Kabataan, Edukasyon, Kalusugan, iilang mga bagay na pinoproblema ng Pilipinas ngayon. Mga bagay na matagal na nating hinahanapan ng solusyon ngunit hanggang ngayo’y nasa listahan pa rin ng mga bagay na dapat nating ayusin. Ang korapsyon sa politika, ang paglaganap ng drug users sa mga kabataan, kababaan ng kalidad at pondo sa edukasyon, at masakit mang isipan, ay ang pagkamatay ng maraming tao sa sakit dahil sa kakulangan sa serbisyo sa kalusugan. Kaya naman nais ng programa naming malaman ng tao na tunay na nasa ating kamay ang pagbabago, nais naming ibahin ang pananaw na nakalakihan ng bawat Pilipino. Hinahangad naming ayusin ang paniniwalang ang sasakyang Pilipinas ay tuluyan ng hihinto sa pagtakbo, at mapagiiwanan na ng iba pang sasakyan sa karerang ito. Nais naming sabihing ang sasakyang ito’y may magaling at maipagmamalaking drayber, na nawala lamang sa landas nya at hindi maliwanagan sa nararapat niyang gawin. Aksyon na tanging paraan upang muling makipagsabayan sa iba pang mga sasakyan, katulad ng dati. Isigaw natin ang ating mga munting tinig.


-Camille Cabrito-

1 comment:

  1. Sa section naming Skylark sa DLSAU ay mayroon kaming isang organisasyon na may pangalang..."TINIG NI PEPE".
    Mayroon pa kaming blogsite na prinopromote na naglalayon na maiangat ang lahing Pilipino sa pamamaraang alm naming mga bata ay magagawa ito ng marangal at matiwasay. Ito ay ang tinignipepe.blogspot.com. Maraming Slamat po...

    ReplyDelete