Friday, March 12, 2010

VOte! Juan Barbero for President!

Hay..Uso na naman ang mga nagpapauso. Uso na naman ang mga mukhang nasa papel na nagkalat sa pader ng lansangan.paano ka ba naman iboboto kung ganyan ang pinag gagawa ninyo?

Uso na naman ang mga campaign jingle na nagsasabing sila raw ang magtatapos ng kahirapan.PAUSO? Eh bakit may nagugutom noong nakaupo ka pa? bakit di mo tinapos nung nasa puwesto ka pa? di kaya nagpapauso ka lang??.

May iba naman nagsasabing di sila magnanakaw?.Eh ano ngayon?! Di ka nga nagnakaw, eh anung ginawa mo noong nakaupo ka pa?ano naman ang gagawin mo? tutunganga?!. hay naku juan!!! magisip isip ka na!.

Mayroon din naman nagyayabang pa ng kanilang mga nagawa samantalang sila rin naman halos ang nakinabang.May iba namang gumamit pa ng salita ng diyos. hindi na ba sila nahiya?!

Di ba nagtataka si juan kung saan kinukuha ng kandidato ang kanilang MIlyon milyong salapi. DI kaya galing din ito sa bulsa ni juan?

Mayroong nagmamalinis samantalang napatunayan naman na nagkasala sila.Eh bakit ka pa humingi ng pardon?! anu yun? KAplastikan? pagkatapos nun magmamalinis ka? hay.. naku juan sa barangay ka magpaliwanag!

Siguro kung magiisip lang si juan kung kanino sila boboto umunlad na siguro ang pilipinas.Huwag sanang si juan umasa sa baluktot na pamamahala dahil siya rin mismo ang mag aangat sa sarili niya. Sana isiping mabuti ni juan kung sino nga ba ang karapatdapat sa upuang pinagaagawan!

1 comment:

  1. paborito ko 'to
    galing ni kris.
    parang gusto na niyang sapakin sila villar :)))

    -cato ;)

    ReplyDelete