Friday, March 5, 2010

Kabataan, Tayo nga ba ang pag-asa ng bayan?

Maraming nagsasabi na tayo daw ang pag-asa ng bayan, Papaano naman tayo makakatulong sa mga pagsubok na pinagdadaanan ng ating bansa tulad ng korapsyon, kakulangan sa edukasyon, at kung anu-ano pa. Paano kami makakatulong sa bansa kung ang madalas naming makita sa mga eskinita ang mga matatandang naliligaw ng landas tulad ng paggamit ng Illegal na droga, pakikipag pusatahan, at lalong-lalo na ang pagturo sa mga kabataan nito. Kung iisipin mo, hindi sa lahat ng pagkakataon na ang mga kabataan lang ang may kakayahan na paunladin ang lahing pilipino kundi lahat tayo, hindi naman basta kikilos ang mga bata kung walang sapat na gabay ng mga magulang, malaki ang maitutulong nila dahil sila ang magtuturo sa mga kabataan na tulad ko patungo sa tamang landas para sa ikabubuti nila at ng bansa. Kabataan, nanay, tatay,mga guro, mga barbero,mga tricycle driver, may ngipin man o wala, lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng mga kabataan at ng lahing PILIPINO


-Kung Fu Panda (Yun-Chul)

No comments:

Post a Comment