Wednesday, March 10, 2010

kaisipang alipin :(

kaisipang alipin. ito lamang ang kaisipang hindi maalis sa isip ng mga kababayan nating mga pilipino dahil unang una sa lahat marami paring mga pilipino ang pumpunta sa ibang bansa para mag trabaho para daw malaki ang kita. ako ay suma-sang ayon na malaki rin ang kinikita nila. pero hindi parin sapat ito upang maging paliwanag nila. hindi ba natin kayang kumita ng malaki sa pilipinas? kadalasan kasi puro gobyerno nalang ang sinnisisi nila. tama ba na habang buhay na lamang natin sisihin ang pamahalaan sa maliit na sweldo na natatanggap ng mga trabahador sa pilipinas? dipende ang aking sagot. unang una kung maayos lang ang ating pamahalaan sa ngayon hindi sana ganito ang kalagayan ng pilipinas ngayon. pangalawa, kung makikipag tulungan lang ang mga kababayan nating mga pilipino sa ating pamahalaan, marami sanang mga investors na papasok sa pilipinas. palibhasa kasi wala tayong dalawang salitang ito ! ang DANGAL AT PAGKAKAISA. kung may dangal ka malalaman mo na hindi habang buhay ka magiging alipin. may magagawa ka para sa bayan, malalaman mo rin ang tama at mali. at kapag nalaman mo ang tama at mali hindi ka gagawa ng KORAPSYON na ikasisira mo at ng bansang kinilala mo. at kung meron namang tayong pagkakaisa, wala sanang mag papaalipin sa ibang bansa, magiging matatag rin ang bansa natin at mapapamahal rin tayo sa bayan. ang dalawang salitang ito lamang ang tutulong sa atin sa pag aangat ng lahing pilipino/kayumanggi at ito rin ang sisira ng kaisipang hindi maalis alis sa utak ng mga pilipino at ito ang ALIPIN.

No comments:

Post a Comment