Saturday, March 13, 2010

DARATING DIN!

Habang ako'y nanunuod sa telebisyon ng isang palabas na tawagin na lamang natin itong "oras ngpagpapakitang gilas". May isang grupo ng manlalahok doon na ang kanilang konsepto ay tungkol sa mga pilipino sila'y nagsasalita at umaarte, ako'y namangha habang nakikinig sa kanilang mga sinsabi dahil maganda ang ibig sabihin nito, na para bang alam nila sa sarili nila na makakabangon pa ang pilipinas, ngunit kapansin pansin na ang mga manunuod sa entablado ay hindi naaliw sa grupong ito at halos wala ng pumapalakpak, napaisip tuloy ako na ganun na ba talaga ang mga pilipino?? na kapag maamerikano ang konsepto ng isang grupo ay halos maging kulay kamatis na ang palad ng mga manunuod sa kakapalakpak pero kapag makapilipino ang konsepto nito kulang na lang eh wala ng manuod. nawala na nga ba ang ating pagkanasyonalismo?? bakit mahal na mahal natin ang mga ibang bansa?? samantalang sa pilipinas tayo naninirahan, kung titignan naman nating mabuti mas maganda ang pilipinas kaysa sa mga ibang bansa. napakaganda ng mga tanawin dito at ang ating mga yamang lupa at yamang tubig. kelan kaya natin mapapansin nag mga ito?? at nang ating maalagaan at mapanatiling maganda. alam kong hindi pa huli ang lahat, kaya pa nating magbago. darating ang araw mamahalin din natin ang sariling atin!!


jenika:D

No comments:

Post a Comment