Thursday, March 4, 2010

PAGIGING BATA

Lahat ng tao dumadaan sa pagiging bata. Pero pag pinansin mo karamihan sa mga nakatatanda sa atin ay nasa maling landas. Maraming lasinggero, barumbado at yung iba pa pumapatay ng tao. Pero bakit nga ba nila ginagawa ito? Siguro nuong panahon ng kanilang kabataan ay ginagawa na nila ito. Sino ba o sino kaya ang turo sa kanila nito? San ba nila natutunan na gawin ang mga bagay na yun? Sa tingin nyo, sa barkada nila o sa mga pabaya nilang magulang?

Para sakin, sila mismo (kabataan) ang may kasalanan ng pagka ligaw nila ng landas. Dahil, kahit na anong pag aaruga ng magulang sa anak, kung nag desisyon itong sumama sa mga kabataang mag hahatak sa kanila pababa, wala na silang magagawa, kasi yun na yung pinili ng bata ehh...

Alam kong maraming nakaka alam ng "rugby boys" o yung mga bata sa lansangan na nasa maling landas, dahil inimpluwensyahan sila ng iba pang kabataan na gumagawa ng maling bagay. tignan mo nalng kinababagsakan ng iba?, Kundi sa kulungan, sa sementeryo ang bagsak nila. kaya kung may balak kang gawin ang mga bagay na yan, baguhin mo na ang isip mo kung ayaw mong matulad sa mga taong ngayon ay nasa...... "IMPYERNO" !!!!!!!!


BESI ( paulit-ulit ako)

No comments:

Post a Comment