Saturday, March 13, 2010

kaisipang kolonyal :(

kaisipang kolonyal. ang kaisipang hindi maalis sa isip ng mga pilipino. ang pinagmulan ng kaipang kolonyal sa ating mga pilipino ay ang dumating ang mga ibat-ibang banyaga upang sakupin ang bansang pilipinas. pero sa papaanung paraan? sa kalakalan nito sa pilipinas at ang matinding impluwensya nito. bagamat hindi na maalis sa ating mga pilipino ang kaisipang ito, pwede itong maging dahilan upang bumagsak ang ating wika at kultura. ika nga kapag namatay ang wika, patay na rin ang kultura.

masakit mang isipin na ang mismong mamamayan ng pilipinas ang sisira ng wika natin dahil sa mga bagay na nakahihiligan nila tulad ng pagkain ng mga amerika, ng mga artista sa ibang bansa at kung anu-ano pa. hindi lahat ng bagay na naimpluwensya o naibigay sa atin ng mga banyaga ay hindi masama tulad nalamang ng edukasyon at sistema ng pamahalaan, bigay sa atin ng amerikka. ang dalawang bagay na ito lamang ang pinakamahalagang bigay sa atin ng amerika.

sana mag karoon ng progarama ang ating pamahalaan patungkol sa bagay na ito. tulad na lamang ng "Philippine first before anything". naisip ko ito upang naiuna muna ang mga ibat-ibang kultura, kaugalian at tradisyon ng pilipinas bago ang mga kultura ng ibat-ibang bansa. sana maisip nating mga pilipino ang bagay na ito !!!!

No comments:

Post a Comment