Saturday, March 13, 2010

"Ako ang Simula" (weh, di nga)

Alam nating maraming mga batang Pilipino ang nabiyayaan ng sapat na katalinuhan, ngunit dahil sa matinding suliraning nagaganap ngayon sa ating bansa, marami sa mga kabataan natin ngayon ang hindi na nakakatikim ng Edukasyon, kadalasang makikita ang mga kabataan ngayon sa kalsada hindi upang mag-aral kundi para maghanap panlaman tiyan. Kadalasan ang mga batang namamalimos, nangangalakal ng basura, o di kaya mga batang gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot ang laman na ng kalsada ngayon. Grabe na nga talaga ang kalagayan ng ating bansa. Ngunit di ba sabi ni Rizal, "Ang kabataan ang susi ng bayan". Pero paano magiging susi ng bayan ang mga kabataan tungo sa kaunlaran, kung hindi na sila nakakapag-aral?Paano na nga ba tayo, ako, makakatulong sa bansa natin?

Ngayon ay panahon ng halalan. Panahon kung saan bida na naman ang mga politikang kung anu-ano ang mga sinasabi upang mabago daw ang Pilipinas. Maaari naman tayong bumoto ng tapat at walang nagaganap na pandaraya. Nasisilaw lamang tayo sa mga pera nila at mga pangakong laging napapako. Bakit hindi natin iboto ang nararapat at alam nating hindi tayo bibiguin sa kanilang mga pangako. Sundin lamang natin kung ano ang nasa puso natin at kung ano ang tama.

Pansamantala nating nararanasan ngayon ang matinding tagtuyot o ang El NiNo. Kadalasan nating sinasabing wala na tayong magagawa. Pero hindi lang tayo nag-iisip, marami pa tayong magagawa upang maibalik ang dating ganda at sigla ng Pilipinas. Bakit hindi natin simulan sa ating mga sarili. Magsanay tayong IBULSA ang mga MALIIT NA BASURA. At pag sanay na tayong gawin ito, sunod nating gawin, tumulong tayo sa mga proyektong patungkol sa pagtatanim o may koneksyon sa pag-aalaga ng ating kalikasan. Simple lang, ngunit malaki ang maitutulong sa ating bayan. Tinatamad lang tayong gawin ito. Sana magawa natin ang mga simpleng bagay na ito. Tayo rin ang makakapagbago sa ating mundo. "TAYO ANG SIMULA".


~ ~khen satuito~~

1 comment: