Sunday, March 14, 2010

tamang paraan at tamang desisyon; susi sa pag-unlad.

Nagtaka ako at medyo nainis nung pinakita sakin ni kuya ang bago niyang "branded" na pantalon na padala ni dadi galing Canada. akala ko kasi nag-yayabang lang siya. tapos, pinakita niya ung iteketa at nagulat ako nung nabasa ko ang "Made in Philippines" sa likod. At sinabi niya "akalain mo may factory pala ng Levi's dito". sabi ko naman "onga eh, dito pala yan ginagawa, edi dapat dito nalang tayo bumili kaysa dun, sayang yung bayad sa padala". Bakit nga ba mas gusto natin ang mga bagay na imported, kaysa sa mga gamit na pwede naman palang mahanap dito sa Pinas? dahil ba sikat? dahil ba gawang ibang bansa? o para lang masabi na "sossy" ka?

May mga istudyanteng tinitipid ang baon nila at hindi kumain ng tanghalian para mgakaroon lang ng pambili ng isang basong kape sa Starbucks. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon kahalaga ang kape sa buhay nila, at ayos lang na magutom para makainom nito. ano yon, para lang masabi na sosyal sila? hay nako Pinoy! gumising ka nga, alam mo yung praktikal? uso yon. subukan mo minsan. malaki yung tulong sa'yo. tanggalin mo nga ang pagiging isip kolonyal mo. baka ito pa ang magpahirap sa'yo.

Akala natin, ayos lang na mahal at mabigat sa bulsa basta galing ibang bansa. Dahil sa paniniwalang matibay, magandang klase at mapagkakatiwalaan ang mga ito. Pero hindi mo lang alam, may mga produkto rin ang Pilipinas na mas matibay, mas magandang klase, mas mapagkakatiwalaan at mas mura.pwede kang makatipid. pwede ka maging praktikal. hindi mo kailangang magpa-gutom. may pag-asa pa tayong umunlad. basta humanap tayo ng tamang desisyon at tamang paraan. Kaya natin ito.


-Cathrina =p

1 comment:

  1. pasensya na kung di masyadong maganda. minadali kase eh. :-j (atleast may grade).

    -cato ;)

    ReplyDelete