Wednesday, March 24, 2010

Walang Pamagat

Sa nalalabing dalwang araw .. Ano ba magandang gawin ? heto ako nakatanga .. lumilipad ang isip ..at nakatulala sa kawalan.. Pilit na inaalala ang mga araw na nakapag pasaya sa akin sa loob ng amin paaralan ..

Unang araw ng klase ..

Allora : Yes , klasmeyt ko pa ren sila . teka sino toh ? .. maxine bones ? arcelli ogalesco ?hmm ..

at habang naglalakad sya ay nakasalubong nya ang kanyang mga kaibgan ..

Allora : Oy ! punta tayo sa rum ..
Klasmeyt : Tara !

bago sila pumasok ng silid aralan, nabasa nila ang pangalan ng adviser nila .. " Mrs . Pamatian "
at pag pasok ng silid aralan ..

Titser : Sino prayer leader naten ngayon ?
Lahat : Tongco !!!

eto kame.. mga dating oregano .. pag pasok na pag pasok plang ng room ay naging komportable agad kame .. kumbaga para bang BACK TO NORMAL ^^ eto ang gustu ko .. Akala ko walang pinag bago .. akala ko lang pala yon ..

Pagkalipas ng ilang araw ..
Dumadami ang conflicts sa room , hinde pagkakaintindihan , at pagkakakilanlan sa mga tunay na mga ugali .. buwan ang lumipas.. dumaan ang mga paligsahan .. eto ang ilan sa mga hindi makakalimutan ..

  • Harana : Ft . maxine bones , euegne culla , at dwight manalastas .. Nanalo kame . Champion . isang araw na praktis ..
  • Eco Song : eto ang pinaka matindi sa lahat , sa pag nanais naming manalo .. at sa subrang taas ng confident level namen .. Natalo kame . Dito na nga nag simula ang labanan ^^
  • Jingle contest : Nauwi sa luhaan , twanan at kabaliwan , at sa huli.. hinde ko masasabing nasa amin ang huling halakhak kase 2nd place lang kame :D half day praktis lang kase ..
  • English Play fest : Eto ang pinaka masaya sa lahat , d2 kame natutong magkaisa .. mag pahiwatig ng kani-kanilang mga ideya sa malayang paraan .. at natutong magmahalan . At sa panahoong ito .. Nag champion kaming muli ^^

ngunit kung pag uusapan ay closeness ng isat isa .. parang ganito lang yan ee kung napansin nyu sa mga contest .. kung kaylan kame nag seseryoso natatalo kame . kung kelan kame pa easy easy nananalo kame .. parang friendship namen .. ^^ pa easy easy sa buhay pero ang hindi mo alam marami nang napapalapit sa na mga bagong kaibigan :)



Natutuwa ako pag naaalala ko ung mga panahong nag aasaran .. pinagtitripan si tongco .. inaasar si eric .. at pagtawa sa mga korning jokes ni carlo ^^ parang .. alam mo ung pakiramdam na .. nawala ung pera mo na matagl mong pinag ipunan ? .. ganon din kung paano ko tinreasure ang friendship sa skylark .. maaaring hindi ganon ngunit mas matindi pa don .

ou sige aaminin ko , ilang beses nyu na narinig sa akin na bored na bored ako sa seksyong ito .. pero inde ko alam .. inde ko na realize na mali pala ako ,maling palang ikumpara ang nakaraan sa kasalukuyan .. maaaring marami ako namiss noon , pero mas marami akong mamiss ngayon :D

wala lang naalala ko lang yan .. Kung kanina nakatanga ako sa wala .. Ngayon , ang napangiti ako , alam nyu kung bakit ? kase naalala ko bigla hindi lang sapat ang pinaramdam nyung pagmamahal sakin .. Subra subra pa .. Itinuring ko kayong pamilya .. Kaya sana manatili tayong isang pamilya hanggang huli .

Wala akong maisp na pamagat .. Parang skylark .. Walang katumbas :)




`Allora Mauricio :) proud to be a PAMEYSHANER <3>



No comments:

Post a Comment