Monday, March 22, 2010

Bakit sila ganun!?

Kaninang hapon habang ako'y naglalakad sa Bagong-Bario(caloocan) may mga nangangampanya. Sino ba namang hindi nakakakilala sa dating Pangulong Joseph "ERAP"
Estrada tsaka sa anak niyang si Jinggoy Estrada. Habang sila ay nangangampanya, namimigay ng caps,at masks(maskarang may mukha ni Jinggoy.), narinig ko ang kanilang campaign jingle. Tunog "NOBODY ng Wondergirls" at "BULONG ni Kitchie Nadal" sa tingin niyo may lisensya kaya ang paggamit nila sa mga kantang iyon? Matutulad din ba sila kay Gilbert"Gibo"Teodoro na nakasuhan dahil sa paggamit niya ng kanta na isinulat ng mangaawit na si Rico Blanco? Pano kaya kung walang lisensya ung kantang ginamit nila, halimbawa ung NOBODY ng Wondergirls, pag nakasuhan sila hindi naman sila lang ang madadamay eh. Buong Pilipinas, siyempre dun sila nakatira 'di ba!?
Katulad dati sa hindi sinasadyang pagkakataon nakarinig ako ng isang jingle ng isang nangangampanyang konsehal using a jingle with the tune of Voltes V's opening theme.
Nakakarindi na sa tenga! 'Di ba sila marunong gumawa ng sariling jingle!?
Hindi naman sa pinapaboran ko sila Gibo Teodoro at Manny Villar pero hindi ba mas maganda kung walang gamitan ng kanta, walang kaso(unless suported sia/sila nung artist na kumant nun)
Sana marealize nila na hindi healthy na gumamit ng mga foreign song(covering the lyrics of it) then use it on their campaign.
Maliban sa nakakababa ito ng pag-mamahal sa bayan, kung kaya naman nating gumawa ng sariling atin, bakit hindi!? 'di ba!?

[M@R1@3_30]

No comments:

Post a Comment